^

PSN Showbiz

Kahit mature na raw James at Nadine hanggang tukaan lang

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Inaasahan ng Viva na kung hindi man matapatan ng Never Not Love You nina James Reid at Nadine Lustre ang malaking tagum­pay ng sold out Valentine concert nilang Revolution ay makakaungos ang movie sa success ng concert.

Mas malaking expectation ang kinakaharap ng mga tagasubaybay ng sikat na loveteam dahil ang kini-claim na mas daring movie nila ay may backdrop ng magagandang tanawin sa London, Manila, at Zambales.

Isa pang patunay na isang magandang kuwento ng pag-ibig ang Never Not Love You ay ang direktor nitong si Antoinette Jadaone na siyang nagbigay ng karapatan sa JaDine na maging isang effective loveteam sa On the Wings of Love. Mapapanood ang Never Not Love You sa mga sinehan simula sa Sabado de Gloria, March 31. Tungkol ito sa graphic designer na si Gio at ang ad trainer na si Joanne. Nagkaroon sila ng reckless love affair na mabilis na naglaho at umabot pa sa paghihiwalay. Nagkita sila makaraan ang maraming taon, pero marami na ang nagbago sa kanila kasama na ang naramdaman noon para sa isa’t isa.

Sad to say na sa kabila ng sinasabing pinaka-mature at daring roles ng JaDine ay kissing scenes lang ang ipinagawa sa kanila at walang love scenes. Pero sa kabila nito åy malaking maturity ang naging pag-atake ng dalawa sa kanilang roles.

ToFarm Filmfest tumatanggap na ng entries

Siguradong binibigyan ni direk Maryo J. delos Reyes (SLN) ng go signal si Bibeth Orteza para pangasiwaan ang pagpapatuloy ng ToFarm Film Festival na sinimulan nito two years ago.

Si Bibeth ang napili para maging festival ditector sa ikatlong taon ng ToFarm Film Festival. Makakatulong niya sina direk Joey Romero at Laurice Guillen. Grateful si Bibeth dahil nakuha niya ang pamamahala ng TFF kahit wala pa siyang naididirek na pelikula at sa TV lamang nakatuon.

Magaganap ang ToFarm Film Festival sa September 12-18. Puwede nang magsubmit ng script ang mga interesado. Bibigyan ng budget ang mapipiling script para masimulan ang pagsasa-pelikula ng kuwento nila.

KZ kinapos sa suwerte

May dapat bang ipagdamdam ang mga Pinoy sa pagkaka-eliminate ni KZ Tandingan sa Singer 2018 singing completion in China? Walang naging problema sa pagkaka-deliver niya ng contest piece na Royals ni Lorde. It was almost perfect, napakaganda ng areglo, mula sa pag-aakumpanya ng isang buong orchestra at ang pagkanta ni KZ.

Kinapos lang sa suwerte ang ating representative, but she has shown the world what every Filipino singer has, and that’s talent.

Sana maipanood sa mga Pinoy ang ginawa niyang stint sa Singer 2018.

Neil Ryan ayaw nang paganaping masama

A good actor will always be good actor, no matter what the role is. Pinatutunayan ito ni Neil Ryan Sese sa pagganap niya bilang bida at manliligaw ni Camille Prats sa Ang Forever Ko’y Ikaw ng GMA. Nakakatuwa siya sa role na ardent suitor na sumasailalim sa mga nakakatawang eksena.

To his credit, nakakalampas siya with flying colors. Kung ang mga manonood ang masusunod, ayaw na nila siyang gumanap ng salbahe, pero artista siya at walang hihindiang role na ibibigay sa kanya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with