^

PSN Showbiz

Magkaibigang sikat nasulutan ng mister ng mga kaibigan!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon

Iisa ang naging kapalaran ng magkaibigan na parehong sikat in their own profession.

Parehong naging unfaithful ang kani-kanilang mga mister.

At ang mga naging ka-compete pa nila sa kanilang mga asawa, mga tinuring din nilang kaibigan.

‘Yun daw ang matinding nagpasakit sa mga pangyayari.

Ayon sa source, ang isa ay tuluyan nang nawasak ang pamilya at ang isa ay may chance pa umanong magkaayos.

Well, let’s wait kung anong magiging kapalaran ng marriage ng high profile couple na napasukan ng third party na married din.

Pero ang isa raw talaga ay hopeless na dahil nagkaanak na si husband sa iba.

How sad na sa kani-kanilang circle lang daw ay nagkakaroon ng mga ganyang sulutan ng mister.

Speed handa na sa Eddys 2!

Limang de-kalibreng pelikula ang magsasalpukan sa Best Film category ng 2nd Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors’ (SPEEd) sa darating na June 3, 2018.

Ang SPEEd ay samahan ng entertainment editors ng mainstream broadsheets and tabloids sa bansa na nabuo nung nakaraang taon. Presidente ng grupo si Mr. Jojo Panaligan ng Manila Bulletin at founding president si Mr. Isah Red ng Manila Standard.

Anyway, pasok sa listahan ang Birdshot (TBA Studios); Deadma Walking (T-Rex Entertainment); Respeto (Cinemalaya Foundation, ArkeoFilms, Dogzilla); Smaller And Smaller Circles (TBA Studios); at Unexpectedly Yours (Star Cinema).

Nominado naman para sa Best Actress category sina Joanna Ampil (Ang Larawan);  Mary Joy Apostol (Birdshot); Sharon Cuneta (Unexpectedly Yours); Bela Padilla (100 Tula); at Alessandra de Rossi (Kita Kita).

Pag aagawan naman nina Abra (Respeto); Jo­shua Garcia (Love You To The Stars And Back); Edgar Allan Guzman (Deadma Walking); Aga Muhlach (Seven Sundays); at Ronaldo Valdez (Seven Sundays) ang Best Actor award.

Tatlong special awards naman ang ipamimigay ng Eddys ngayong taon: ang Joe Quirino Award ay igagawad sa yumaong movie reviewer at professor na si Mario Hernando (Posthumous); ang Manny Pichel Award ay ibibigay sa Entertainment Editor at columnist na si Ricky Lo; at ang Producer of the Year ay igagawad kay Vic del Rosario, Jr., ng Viva Films.

Posthumous Honorees din sina Chinggoy Alonso, Herminio Bautista, Bernardo Bernardo, Emmanuel “Maning” Borlaza, Willy Cruz,  Mario J. Delos Reyes, Isabel Granada, Franco Hernandez, Mario Hernando, Argel Joseph, Cornelia “Angge” Lee,  Alfie Lorenzo, Gil Portes, Rolly Quizon, Soxy Topacio, Romeo Vasquez, Donna Villa, and Zeny Zabala.

Ang pagbibigay ng award ng SPEEd ay isang paraan para mas lalong ma engganyo, pataasin ang moral at patuloy na magbigay-inspirasyon sa mga Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pa na kasama sa pagbubuo ng isang matino at dekalidad na pelikula.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with