^

PSN Showbiz

Sofia nangakong magpapakabait na!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Sofia nangakong magpapakabait na!

Sofia

After Diego Loyzaga,  si Enzo Pineda ba ang pumapapel kay Sofia Andres?

Hindi ang ka-loveteam niyang si Diego ang kapareha ni Sofia sa bagong serye ng ABS-CBN na Bagani kundi si Enzo.

Second time ito ng dalawa na magka­tambal. Una ay sa Mga Pusong Ligaw na kung saan ay love triangle ni Enzo si Diego kay Sofia. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinutukso-tukso ni Boy Abunda si Sofia sa Tonight with Boy Abunda pero  agad siyang inilagay ng batang aktres sa dapat niyang kalalagyan sa pamamagitan ng pagsasabing hindi sila maaring ma-link ni Enzo dahil taken na ito, mayroon nang girlfriend.

Ang nilinaw niya ay ang maling impresyon sa kanya ng media at maging ng mga blogger na nagsasabing suplada siya’t hindi marunong ngumiti. Ito ang gagawan niya ng effort para mabago.

Sa magandang takbo ng kanyang karera ngayon, dapat lamang talaga na matuto siyang maging magiliw sa mga taong nakikilala’t nakakaharap niya.

Imelda ayaw tantanan ng awards

Hindi tumitigil ang pagdating ng swerte kay Imelda Papin. Bukod sa pagiging matagumpay na namumuno ng Actor’s Guild o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon (KAPPT) at Showbiz Industry Alliance na binubuo ng mga artista sa iba’t ibang medium ng entertainment, recipient pa rin siya ng Pilita Corrales Lifetime Achievement Award na iginagawad taun-taon ng mga kagawad ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa taunang pagbibigay parangal nito sa Star Awards for Music para sa mga natatanging alagad ng sining sa musika na magaganap sa buwan ng Mayo. Ginawaran din siya nung March 17 sa AFP Theater ng United Nations Doctor of Humanities Honoris Causa para sa arts, leadership and public service, at Global Peace Prize Award at Gawad Musika Award as Asia’s Entertainment Icon at Asia’s Sentimental Songstress and Undisputed Jukebox Queen. Whewwww....

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with