^

PSN Showbiz

Kinaiinggitan ng mga katrabahong aktres, Hunk actor kumpleto ang koleksyon ng mamahaling make up!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kinaiinggitan na may kakambal na pagtataas ng kilay ng kanyang mga kapwa artista ang isang kilalang male personality. Spell I (read: inggit) ang mga ito dahil kabog na kabog sila ng guwapong personalidad.

Saang aspeto ba sila kinakabog ng male perso­nality? Sa pag-arte ba? Sa pagporma ba? Sa kanyang sasakyan ba? Saan?

Sagot agad ng aming source, “Kinakabog sila ni ____(pangalan ng kilalang lalaking personalidad na hunk na hunk ang porma) sa mga brand ng make-up na ginagamit niya!

“Palagi kasing updated si ____(ang male perso­nality) sa mga bagong labas na brand ng make-up. Wala pa ang mga girls, pero meron na siya, maganda talaga ang taste ng hunk actor na ‘yun pagdating sa make-up!

“E, may mga relatives siya sa Amerika, natural, kapag may nakita siya sa mga catalogue, e, agad na siyang magpapabili! Kaya wala pa ang mga kasamahan niyang artista, e, meron na siya!

“Talagang gumagastos siya sa mga gamit sa pagme-make-up. Kumpleto siya ng kulay, pati mga brush, kaya niyang magpahiram sa buong barangay sa sobrang dami!

“At never siyang pumapayag na gamitin sa kanya ang sponge na ginagamit sa ibang mga artista! No puwede sa kanya ‘yun, meron siyang dala-dalang sponge na exclusively for him lang! Alam na ng mga make-up artist ‘yun!

“Ang hygiene daw kasi niya ang inaalagaan niya, na tama naman, dahil baka ang gumagamit ng mga sponge ng mga make-up artist, e, may sakit pala sa balat, di nahawa pa siya!

“Ganu’n siya ka-vain. May make-up set talaga siya, nakahalayhay lahat ‘yun sa dressing room niya!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Naloka kuno ang isang aktres-TV host nang makarating dito ang mga bonggang make-up stuff ng hunk actor. Pataklesa nitong sabi off-cam sa kaharap nitong aktor, “Uy, nice daw your make-up brand? Naunahan mo ako, ha? Are you competing with me?”

Patuloy ng aming source, “Mas naloka ang TV host sa isinagot sa kanya ng hunk actor, sinabihan siyang bibigyan ng isang brand ng make-up na hindi pa lumalabas sa Pilipinas!

“Marami pala siya kung bumili, lahat ng color at shades na nagugustuhan niya, e, pakyawan kung bumili siya, kaya n’yo ‘yun? E, di siya na! E, di siya na talaga! Lodi at malupet ang hunk actor na ito na matagal nang kinukuwestiyon ang gender!” napapailing na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Sa sabungan lang dati kumakanta, 4th Impact mahigit 100 million na ang views sa you tube, sikat na sikat sa buong mundo

Nu’ng sumali sa X Factor UK (12th season) ang 4TH Impact at nakarating sa finals ay minsan pang nagmalaki ang mga Pilipino sa iba’t ibang dako ng mundo.

Sila ang tinanghal na 5th placer, pero hindi ‘yun ang pinahalagahan ng ating mga kababayan, kundi ang kanilang talento na puwedeng-puwedeng ipakipagbanggaan sa buong mundo.

Ang 4TH Impact ay binubuo ng magkakapatid na Almira, Irene, Mylene at Celina. Sila ang dating Cercado Sisters ng Santiago, Isabela na lumuwas ng Maynila para hanapin ang kanilang kapalaran sa pagkanta.

Natupad ang kanilang pangarap, ngayon ay sikat na sila sa buong mundo, mula sa pagkanta-kanta sa sabungan sa kanilang probinsiya ay pinapalakpakan na sila sa iba-ibang bansa.

Kuwento ng panganay na si Almira na ang boses ay pagkataas-taas, “Ga­ling po kami sa mahirap na pamilya, maaga po kaming namulat na kailangan na­ming tumulong sa mga magulang namin para mabuhay kami, kaya mga kontisera po kaming magkakapatid.

“Professional amateurists po kami. Kung saan merong labanan, sumasali kami. Hanggang sa tinanggap po namin ang pagkanta sa sabungan sa Isabela para lang makatulong kami sa parents namin,” nangingilid ang luhang pagli­ngon sa nakaraan ni Almira.

Napakalayo na ng nararating ng 4TH Impact. Hindi sila nakakasawang panoorin, sa tinginan lang ay nagkakaintindihan na sila, ang audition piece nila sa X Factos UK na Bang Bang ay may mahigit 103 million views na ngayon sa YouTube.

At sa darating na March 23 ay mapapanood ang magkakapatid sa Skydome SM-North EDSA, ang titulo ng kanilang concert ay 4TH Impact Rise Up, mala­king bahagi ng kikitain ng palabas ay ibibigay nila sa kanilang lola para maipagawa ang nasunog nitong bahay na mahalagang parte ng kanilang paglaki.

Sa kabila ng kanilang kasikatan ay nananatiling simple at mapagkumbaba sina Almira, Irene, Mylene at Celina (ang kanilang kapatid na si Ivy ang tumatayo nilang manager). Para silang Jackson 5, ang nanay rin nila ang tuma­tahi ng kanilang mga costumes, mga simpleng Ilokana na nginitian nang pagkatamis-tamis ng kapalaran dahil sa kabutihan ng kanilang puso.

4TH Impact!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with