^

PSN Showbiz

Alden aminadong kapos pa ang alam sa akting!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Alden aminadong kapos pa ang alam sa akting!

Alden

Hindi agad babalik ng Pilipinas si Alden Richards pagkatapos ng April 7 Sikat Ka Kapuso show sa New Jersey at Apr. 8 show sa Toronto. Dederetso si Alden sa New York for a two-day one-on-one acting under NY acting coach Antony Vincent Bova. Tila bitin si Alden sa dalawang araw na workshop niya rito under Bova rin, kaya nagpatulong siya kay Ana Feleo para maipagpatuloy ang workshop niya. Sa Apr. 15 na ang balik niya.

Ang ganda ng naidulot ng two-day workshop dito ni Alden, ibinalik siya sa lupa dahil inamin na there was a time na yumabang siya at inisip na ang galing-galing niyang aktor. Dahil na rin ito sa naririnig at nababasa na ma­galing siya, pero dahil sa workshop, na-realize niya na sobrang kulang pa ang kaalaman niya sa acting.

 AiAi ayaw mag-manage ng babae

“Mommyger” ang tawag ni AiAi delas Alas sa sarili at sa pagiging manager ng Ex-Battalion dahil hindi lang maghanap ng project ang trabaho niya sa grupo, pati pagiging nanay ng members, ginagawa rin niya.

Kaya masaya si AiAi sa contract signing ng Ex-Batta­lion bilang endorser ng RRJ Clothing dahil bukod sa exposure, may magsu-supply na ng t-shirt, cap at iba pang clothing accessories sa Ex-B. Sabi ng owner ng RRJ, magkakaroon ng billboard, ad campaign at ipi-play sa lahat ng RRJ stores ang songs ng Ex-B. Sa sobrang sikat ng hip-hop group, mas lalakas ang hatak sa tao ng RRJ.

‘Katuwa ang inamin ng Ex-B na dahil sa RRJ, hindi na sila bibili ng t-shirts at ‘yung budget nila sa damit ay magagamit sa iba. Kaya sobra silang thankful kay AiAi sa malaking tulong nito sa kanila. Tama ang desisyon nilang si AiAi ang kuning manager dahil may personal touch ang pag-aalaga sa kanila.

Dalawa na ang talents na mina-manage ni AiAi, bukod sa Ex-B, tinutulungan din niya si Jiro Manio na gustong balikan ang showbiz. Pinapapayat lang niya ito bago ma­ging active uli. Ayaw mag-manage ni AiAi ng babaeng talent dahil mabubuntis daw.

Cesar nagiba ang hitsura sa man bun!

Man bun ang style ng hair ni Tourism Promotions Board (TPB) COO Cesar Montano nang makita namin sa launching ng Cine Turismo, sabay ng pagre-recognize sa 10 Filipino-made movie, dalawa rito ay Korean films.

Nang mapanood ang short teaser ng historical film na Sultan Kudarat, nasagot ang tanong namin kung bakit Cesar is sporting a man bun. Ang la­king pelikula ng Sultan Kudarat na bida at co-director si Cesar with Toto Natividad. In-assure nito ang nasa event na tatapusin nila ni Toto ang pelikula.

Samantala, nananawagan ang TPB na ipasa na ang pending Film Tourism Bill (SB 1330) sponsored by Sen. Grace Poe and introduced by Sen. Sonny Angara. Ang laking tulong sa film industry ng bansa ‘pag napasa ang bill na ito at marami ang mabibigyan ng trabaho. Kaya sana pumirma na ang dapat pumirma.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with