^

PSN Showbiz

Throwback sa mga artistang nasawi at nagwagi ang lovelife!

Baby E - Pilipino Star Ngayon
Throwback sa mga artistang nasawi at nagwagi ang lovelife!

Vic, Vilma at Edu

MANILA, Philippines — Thirty-two years of showbiz and quite a number of secrets about our celebrities and, of course, happenings, coupled with anecdotes we have heard, read, and probably seen, too, ang gusto nating i-recall but may have forgotten.

Kaya bilang refresher in celebration of the 32 years na nag-exist ang Pilipino Star NGAYON, mag-recall tayo.

Simulan natin kay Kristine Hermosa na happily married na ngayon kay Oyo Boy Sotto. Maaalalang ikinasal muna siya kay Diether Ocampo. Naganap ang kasalan sa isang malapit na probinsiya noong medyo bata pa sila. Bagama’t hindi ang kanilang kabataan ang balitang naging dahilan kung bakit na-annulled ang kanilang kasal. Ito raw ay dahil sa technical reason na may kinalaman sa kanilang marriage certificate.

Tatlo na ang anak ngayon nina Kristine at Oyo, sina Kristian Daniel, Ondrea Bliss, at Kaleb Hanns. Common knowledge na parehong artista ang mga magulang ni Oyo, sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Ang kanya namang kapatid na si Danica at kasal na rin sa cager na si Mark Pingris.

Of Dina, 19 years old pa lamang siya nang ikasal kay Vic na nagtagal ng 10 years. Pagkatapos noon ay ikinasal siya sa top businessman na si Dick Penson na tulad ng kasal niya kay Vic ay na-annul din.

Dina is now, of course, Mrs. Deogracias Victor Sevellano.

Dalawang aktres naging misis muna tsaka natagpuan ang true love

Dalawang aktres naman (na ang isa ay hindi na active ngayon sa showbiz) ang nagkaroon din muna ng iba pang karelasyon bago nag-settle down with another one.

Isa sa kanila ay dating beauty queen actress na bago natagpuan ang lalaking mahal niya ngayon ay nagpakasal din muna sa isang hindi taga-showbiz kung saan mayroon na siyang dalawang teenager na anak pero nagtapos din ito sa hiwalayan. Ang involved na lalaki ay isang foreigner at taga-ibang bansa rin ang kasalukuyang love of her life.

Ang isang dating aktres naman na considered bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz lalo’t noong kanyang kabataan ay ikinasal muna sa anak ng isang high profile athlete bago siya na­ging asawa ng lalaking ama ng kanyang anak.

Kilala ang pamilya ng lalaki dahil isa sila sa most influencial and rich families dito sa Pilipinas.

Vivian tumangging pakasalnoon sa prinsipe

Samantala, may choice naman noon si Vivian Velez na maging rich and influential kung nagpa­kasal siya sa prinsipe sa isang bansa sa Asia. Yes,  gusto siyang maging legal wife ng nasabing prince. Ganun pa man, mas pinili ni Vivian ang makasal sa isang non-royalty na foreigner kung saan siya nga­yon may dalawang anak.

Vic matagal bago nakilala ang soulmate

Now to other topics: May dalawang tao na malapit kay Vic Sotto ang title holder ng Little Miss Philippines, ang dating popular segment ng Eat Bulaga kung saan regular host si Vic.

Ito ay sina Aiza Seguerra na kare-resign lamang sa kanyang puwesto bilang National Youth Commission head at si Pauleen Luna na title holder ng pageant noong1995 na ngayon ay misis na niya na kung saan ay mayroon siyang anak, si Talitha Marie.

Of Aiza, kasal na rin siya kay Liza Diño na head naman ng Film Development Council of the Philippines.

Of Vic Sotto, first time na magpakasal niyang muli ng legal kay Pauleen (Luna), after na-annull ang kanyang first marriage kay Dina Bonnevie.

Although, may report na willing din sana niyang pakasalan ang dating TV host-actress at head of a religious community na si Coney Reyes.

Vic and Coney are parents to Vico Sotto, nga­yon ay well-admired Konsehal sa Pasig-City.

Edu hindi pa rin na-annul ang kasal kay Maricel?!

Hanggang ngayon pala, ayon kay Albert Martinez, hindi pa alam ng kanyang biyenan na si Amalia Fuentes na namatay na ang first husband nitong si Romeo Vasquez, dati ring contract talent ng Sampaguita Pictures at Vera-Perez Films, tulad ni Amalia.

Bobby, Romeo’s pet name, died two years ago, isang taon matapos mamatay ang anak niya kay Amalia na si Liezl. Liezl died of breast cancer in 2015. Si Bobby naman ay dahil sa heart attack.

May sakit pa rin si Amalia, mula nang mag-suffer din siya ng stroke habang nagbabakasyon sa Korea. Muling ikinasal si Amalia kay Joey Stevens, kung saan mayroon siyang anak, si Geric Stevens,  na sumakabilang buhay na rin.

Of Bobby, nang maghiwalay sila ni Amalia, na-link siya kay now Lipa Representative Vilma Santos-Recto. Si Ate Vi, after her such-publicized romance with Bobby, ay nagpakasal kay Edu Manzano habang ginagawa nila ang pelikulang Romansa sa Las Vegas.

Pagkatapos nilang mag-diborsyo ikinasal si Edu kay Maricel Soriano, sa isang big-time Catholic ceremony, held no less at the Archbishop Palace, na talagang pinag-usapan ng matagal.

Both Edu at Maricel have not remarried, as far as we know. Although, nagkaroon ng anak na lalaki si Maricel with Cesar Jalosjos. And Edu naman fathered two children, na parehong nag-aaral sa abroad. May isa pang anak naman si Ate Vi, si Ryan Christian, with her husband of 25 years, Senator Ralph Recto. At may anak sila ni Edu, si Luis.

Sinasabing hindi pa officially annulled ang kasal nina Edu at Maricel.

Nora maraming pinaiyak!

Speaking of long-time marriages in showbiz, we have Christopher de Leon at Sandy Andolong, na almost 30 years nang kasal sa simbahan.

May apat silang anak kabilang na dito ang beauty queen na si Mariel de Leon. Nagkaroon din si Boyet ng anak sa una niyang asawa na si Nora Aunor, si Ian na kasal na rin ngayon.

Ian and his family live in the same compound kung saan nakatira rin sina Boyet at Sandy.

Of Guy (Nora’s pet name), she remains quiet about her love life bagama`t alam sa buong showbiz na si John Rendez ang kanyang partner.

Of Guy, someone close to both her and Tirso Cruz III, well, at the height of their romance, so to speak, revealed that Pip (Tirso) cried ‘me a river,’ kumbaga, nang maghiwalay sila.

Now, of course, almost, if not more, 30 years na ring happily married si Pip sa non-showbiz na si Lyn.

They have three children, two boys and one girl. Ini-reveal din ng nasabing source na humagulgol  din ang politician boyfriend ni Guy nang hiwalayan siya ng Superstar.

May kakaiba raw kasing personal magnet si Guy, na ayaw na niyang i-elaborate, ayon sa aming source din.

In any case, the said politician is still very much around.

Tatay ni FPJ naalala sa paglaganap ng rabies

Ngayon na laganap na ang babala tungkol sa rabies, isang sakit na sanhi ng kagat ng aso, na pwedeng maging fatal.

We are reminded of the cause of the death ng ama ng king of Philippine Movies, si Fernando Poe, Jr., na si Fernando Poe, Sr., who reportedly died dahil sa rabies.

A matinee idol of the 30s and 40s, 37 years old lamang siya nang mamatay noong 1951. And here’s how reportedly died. Hinayaan daw niyang dila-dilaan ng kanyang tutang alaga ang maliit niyang sugat sa paa.

Eh, may rabies pala ang tuta.

FP Sr. is said to have the most perfect physique in his time. Ang kanyang body structure raw ang isa sa naging basehan ng National Artist na si Guillermo Tolentino nang ukitin niya ang sikat na Oblation sa UP campus.

Si FP Sr. din ang unang director at producer ng unang Darna movie na pinagbidahan ni late Rosa del Rosario.

Kris zero pa rin ang puso

And last but not the least, matatandaang naging romantic item noon sina Kris Aquino at Robin Padilla noong mga panahon na ang mom ni Kris na si late Cory Aquino pa ang presidente ng bansa.

Habang happily married na kay Mariel Rodriguez ngayon si Robin kung saan may isa siyang anak na si Isabella, si Kris naman ay naghahanap pa rin ngayon ng someone ‘to love’.

Meron siyang other two sons, Joshua and Bimby, sa dalawang lalaking minsang minahal at nagkaroon ng kaugnayan si Kris na sina Phillip Salvador and James Yap, of course.

vuukle comment

PSN32ANNIV2018

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with