^

PSN Showbiz

Aktres natauhan nang gawing driver at agawan ng kotse ng dyowang aktor!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bad break-up palang talaga ang nangyari sa isang showbiz couple na sa sobrang sweet noong sila pa, inakalang sa altar magtatapos ang love story ng dalawa. Kaya lang, habang tumatakbo ang kanilang relasyon, may mga nadiskubre ang aktres na hindi kagandahang ugali ng ex-BF.

Isa sa nagpagising sa aktres na hindi ang aktor ang right guy for her ay ang ginawa nito sa kanya. Hiniram ng aktor ang kotse ng aktres at nagpahatid pa sa kanya sa pupuntahang appointment. Dahil in-love, pumayag maging driver that day ang magandang aktres.

Heto na ang nakadidismaya at ikinauntog ng aktres. Pagdating sa venue kung saan may meeting ang aktor, ni-request nito sa aktres na iwan na sa kanya ang kotse at umuwi na lang at mag-Grab o Uber na lang.

Naloka ang aktres, pero wala itong nagawa at sinunod ang aktor. Pagdating sa bahay ay saka siya umiyak. Awang-awa sa sarili ang aktres at nagalit din sa sarili kung bakit siya pumayag na tratuhin ng ganun ng aktor.

Pero pasalamat pa rin ang aktres dahil isa ang pangyayaring ‘yun sa nagtulak sa kanya na tuluyang hiwalayan ang boyfriend.

Ryza dinedma sa SID

Tanong sa GMA 7 ng fans ni Ryza Cenon kung bakit daw wala ito sa Station ID ng network. Bakit ang ibang talents nila na lumipat ng ibang management kasama sa Station ID, pero si Ryza ay wala?

Nangangamba tuloy ang fans ni Ryza na baka pagkatapos ng Ika-6 Na Utos na ending na this Saturday ay hindi na siya bigyan ng show ng GMA 7. Sana raw nakita ng network ang husay at professionalism na ipinakita ni Ryza para bigyan siya ng follow-up teleserye.

Glaiza nahirapan sa ginawa ni Lauren

Nakakaaliw ang Contessa challenge na ipinost ni Glaiza de Castro sa socmed niya to help promote the Afternoon Prime series of GMA 7 na magpa-pilot sa March 19, pagkatapos ng Eat Bulaga.

Ginaya ni Glaiza ang pose nina Gabby Eigenmann, Geoff Eigenmann, Jak Roberto, at Lauren Young, mga kasama niya sa soap. Marami ang natuwa sa ginawa ni Glaiza at ang sabi, si Lauren ang pinakamahirap gayahin dahil ang napili niyang photo nito ay kontrabida pose pa rin.

Mabigat ang tema ng Contessa dahil hindi lang ito love story. In fact, hindi doon mapu-focus ang story, kung hindi kung paano bumangon ang isang babaeng inapi at inabuso. Nagpapasalamat si Glaiza na sa kanya ibinigay ng GMA 7.

Carla kinilig kina Bea at Liza

Fan girl na fan girl si Carla Abellana kina Bea Alonzo at Liza Soberano na nakita niya at nakasabay rumampa nang ipakilala siyang bagong image model/endorser ng Kashieca kasama ang dalawang Kapamilya aktres at ang model na si Kelsey Merrit.

“Tonight was another milestone in my life. I still can’t believe i get a chance working alongside @kelseymerritt for @kashiecaph twice before tonight, but it was my first time working with @bealonzo and @lizasoberano. As soon as i entered the dressing room and saw their names placed beside mine i got kilig already. And when they arrived i got SO STARSTRUCKED. Hala siya! Nahiya ako! Yung mga poker-face-slash-serious-and-formal-looks na yan, kunyari lang yan. Deep inside was a humbled and kilig Carla. I am not worthy, i always say. So THANK YOU, Sir @bcbench for this wonderful blessing,” post ni Carla.

Napa-react si Tom Rodriguez sa nabanggit ni Carla na hindi siya worthy mapasama kina Bea at Liza.

“You kidding me? Worthy is totally your middle name...go ahead, pick Mjolnir up to prove I’m right” at nag-agree kay Tom ang followers ni Carla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with