^

PSN Showbiz

Enrique at Liza umaming magdyowa na!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Enrique at Liza  umaming magdyowa na!

Oh finally, umamin na sina Enrique Gil and Liza Soberano na taken na sila although noon pa naman sinasabing sila na nga.

Sa presscon ng Bagani kahapon ay nadulas na si Liza nang tanungin kung taken na sila. “O” na ang ibig sabihin ay oo o opo. Siyempre tilian ang fans na present sa nasabing presscon.

Mabilis namang nag-agree si Enrique na taken na nga rin siya, lahat silang nasa presscon except for Sofia Andres (kasama sa presscon sina  Matteo Guidicelli and Makisig Morales). Pero bumawi sa interview si Enrique na ‘yun lang ang interpretation niya sa relasyon nila ni Liza ngayon.

Eh ano namang masasabi nila na hindi naman daw sila bagay sa role nila sa Bagani dahil hindi naman sila mukhang mga katutubo? “Para sa amin po, sa tingin po namin, kami, even if we’re half-Filipinos, it doesn’t make us less of a Filipino and lahat naman po tayo, may sariling opinyon, and para sa amin, Pinoy po kami.

“And kung para sa kanila, hindi po, we res­pect their opinions as well, but we just want to let them know as well that kami, we feel and we are proud to be Filipinos,” paliwanag ng young actress sa kanyang gina­gampanang role sa historical drama.

“We just wanna give a good show that the people would like to watch and enjoy and to teach some lessons about the history of the Philippines and hanggang doon lang po kami. You know, we just wanna give them a good show and we just pour our hearts out to all the Filipinos watching, so that’s all we wanna do,”  hirit naman ni Enrique.

Samantala, klinaro rin ni Mico del Rosario ng Star Creatives na tumaob nga sa NLEX ang sinasakyang jeep ng ilang talents na kasali sa Bagani. Pero ayos na raw ang lahat, nagpa-check na sa hospital at nakauwi na sa kani-kanilang bahay.“’Yung sinasakyan pong jeep ng mga talents, there were 19 of them, medyo nagkaroon ng problema ang makina, tumaob po.

“They’re all fine now, they were sent home and tsine-check po ng ABS-CBN ang kalagayan nila until now and within the succeeding days,” sabi ni Mico.

Tungkol naman sa Darna, inulit ni Liza na tuloy na tuloy ang paglipad niya sa pelikula at nagsu-shooting na sila.

Anyway, todo ang pasasalamat sa fans ng lead stars ng hit fantaserye sa ginanap na presscon kahapon sa lahat ng sumuporta  sa buong bansa, sa online gamit ang iWant TV pati na sa ibang bansa gamit ang TFC sa kanilang pilot week. Patuloy umano silang namamayagpag sa nationwide ratings araw-araw at palaging tren­ding sa ilang social media sites.

Related video:

Sumunod sa kapatid Isa pang anak ni Mang Dolphy namatay na!

Ang sad naman. Magkasunod na namaalam ang dalawang anak ni dating Comedy King Dolphy.

Two weeks ago nang pumanaw si Dino na nakabase sa Amerika. At kahapon ay kinumpirma ng mga kaanak ng isa pang anak ni Mang Dolphy na namatay na rin ang dating aktor na si Rolly Quizon.

Nahilo at natumba lang daw ang dating aktor sa isang supermarket sa Quezon City dahil sa stroke. Isinugod siya sa hospital noong Sabado at simula nun ay hindi na siya nagkamalay. Inoperahan naman ito para tanggalin ang blood clot pero hindi na raw kinaya.

Si Rolly ay nakilala noon sa sitcom na John En Marsha.

Wala pang inilalabas na official statement ang pamilya Quizon as of presstime kung saan ito ibuburol.

vuukle comment

ENRIQUE GIL

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with