^

PSN Showbiz

Marian may bagong raket na naman! ; Ryza kapamilya na! ;Cesar may epic movie kay Sultan Kudarat

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Marian may bagong raket na naman!   ; Ryza kapamilya na! ;Cesar may epic movie  kay Sultan Kudarat

Marian, Ryza at Cesar

SEEN: Ipinakita kahapon sa Cine Turismo ang teaser ng Sultan Kudarat, The Unconquered Hero, ang epic movie na tinatampukan ni Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano.

SCENE: Sinabi ni Cesar Montano na sa tulong ng Department of Tourism, umaasa siya na matatapos ang Sultan Kudarat na isa sa mga proyekto niya bilang head ng Tourism Promotions Board.

SEEN: Tanging si Will Devaughn ang artista na dumalo sa Cine Turismo at tumanggap ng parangal para sa pelikula nila ng kanyang ex-girlfriend na si Roxanne Barcelo, ang I Found My Heart in Santa Fe na nagpakita sa kagandahan ng Santa Fe, Bantayan Island na nakatulong sa promo ng tourism industry ng Pilipinas.

SCENE: Ang contract signing kahapon ni Marian Ri­vera para sa bagong product endorsement niya. Si Marian ang celebrity endorser ng Mega Mushroom.

SEEN: Mapapakinggan sa lahat ng mga RRJ Jeans store ang lahat ng mga kanta ng Ex Battalion. Pumirma kahapon ng kontrata bilang celebrity endorsers ng RRJ Jeans ang Ex Battalion, ang bagong mga talent ni AiAi delas Alas.

SCENE: Si Solenn Heussaff ang bagong cast member ng The One That Got Away ng GMA 7. Si Solenn ang gaganap na ex-girlfriend ni Dennis Trillo na nakatambal niya sa Lakbay2Love na kasama sa listahan ng sampung pelikula na pinarangalan ng Cine Turismo.

SEEN: Pinupuri ang performance ni Alfred Vargas sa eksena na ipinagtapat sa kanya ni Carmina Villarroel na tunay na anak nila si Bianca Umali sa episode ng Kambal, Karibal noong Miyerkules. Tagos sa puso ang acting na ipinamalas ni Alfred bilang isang ama na nangungulila sa anak na matagal na hindi nakasama.

SCENE: Lumipat na si Ryza Cenon sa ABS-CBN kaya hindi nangyari ang kanyang sinabi noon na mananatili siya na Kapuso, kahit contract artist na siya ng Viva Artists Agency.

SEEN: Bukas ang huling araw sa telebisyon ng Ika-6 Na Utos, ang top rating afternoon drama series ng GMA 7 na malaki ang kinalaman kaya napansin ang acting ability ni Ryza Cenon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with