^

PSN Showbiz

Maymay ayaw tantanan ng suwerte

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Maymay ayaw tantanan ng suwerte

Napakasuwerte ng 20-year-old young star na si Maymay Entrata dahil sa loob ng isang taon ay napakaraming magagandang blessings ang dumating sa kanya na nagsimula nang siya’y maging Big Winner ng reality show na Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 in 2016.

Sa loob pa lamang ng PBB house ay kinaaliwan na ng mga manonood ang nabuong tambalan nila ng kanyang ka-loveteam ngayon, ang Fil-Brit na si Edward Barber.

Nang lumabas ng PBB house sina Mayway at Edward ay nagpatuloy ang kanilang respective career in showbiz both individually at bilang magka-loveteam.

Bukod sa self-titled debut album ni Maymay under Star Music, nakagawa rin sila ni Edward ng movie noong isang taon, ang Loving In Tandem kung saan din nila nakasama ang tambalan nina Kisses Delavin at Marco Gallo. Nakagawa rin sila ng TV commercial para sa isang popular food chain at shows hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa ibang bansa tulad ng Singapore, Hong Kong, at Taiwan.

Noong nakaraang February 23, Maymay mounted her very first major solo concert, ang The Dream: Maymay in Concert na ginanap sa KIA Theater.

Si Maymay at ang kanyang kuya ay lumaki sa kalinga ng kanilang grandparents. Iniwan sila ng kanilang ama habang ang kanilang ina naman ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Natupad ni Maymay ang pangako sa kanyang nakatatandang kapatid na siya na ang tutulong sa pag-aaral nito.

Bianca bigatin ang nasa 18 Treasures 

Last March 2 pa officially nag-18 ang Kapuso young star na si Bianca Umali pero ang kanyang grand debut party ay ngayong Sabado pa lang gaganapin.

Sa kabila ng pagiging busy ni Bianca sa taping ng kanyang TV series sa GMA na Kambal, Karibal ay very hands on ito sa preparation ng kanyang debut party.

Samantala, makakabilang sa 18 Treasures ng debut ni Bianca sina Marian Rivera, Carla Abellana, Willie Revillame, Dr. Manny Calayan, Annette Gozon, Elvira Go, Vic del Rosario, Jr., Angel Javier-Cruz, Joey Abacan, Lilybeth Rasonable, Regie Bautista, Redgie Magno, Gigi Lara, Simoun Ferrer, Johnny Bondoc, at iba pa.

Ngayong 18 na si Bianca, pangarap niyang magbiyaheng mag-isa patu­ngong Greece at Japan.

Leila hindi nagkamali  ng pagbalik sa ‘Pinas

Hindi nagkamali si Leila Alcasid na bumalik ng Pilipinas from Australia to try her luck sa showbiz sa tulong ng kanyang dad na si Ogie Alcasid and her stepmom, Regine Velasquez-Alcasid.

Si Leila ay isa sa 13 new talents ng Star Magic Circle 2018 na official na ipinakilala sa publiko last Sunday sa pamamagitan ng ASAP.

Bukod sa mag-asawang Ogie at Regine, masa­yang-masaya ang ina ni Leila na si Michelle van Eimeren, ang husband nito ngayong si Mark Murrow maging ang younger sister ni Leila na si Sarah na naka-base sa Australia dahil natupad na ang pangarap ng dalaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with