^

PSN Showbiz

KZ hindi kinabiliban sa electric guitar

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
KZ hindi kinabiliban  sa electric guitar

KZ

Nakakalungkot naman na big­lang nawala si KZ Tandi­ngan sa Top 4 position sa sinasalihan niyang Singer 2018. Tila hindi niya na-impress ang mga hurado sa pagkanta noong huling laban niya at maging ang pagsaliw sa kanyang sarili sa electric guitar.

Huwag kayong disappointed, samahan n’yo siya sa mga susunod niyang laban and pray na makapili ng song na papatok uli. Parang hindi na pagalingan ng singer ang sentro ng laban kung hindi pagandahan ng interpretation at dagdag areglo.

 ToFarm filmfest buhay na buhay pa rin

Sa kabila ng pagdadalamhati pa ng mga nasa likod ng ToFarm Film Festival dahil sa biglaang pagkamatay ng direktor na si Maryo J. delos Reyes na siyang nagpapatakbo ng taunang event, nagpasya ang socio-entrepreneur at nagtatag ng filmfest na si Dr. Milagros O. How na ituloy ang nag-iisang advocacy-driven film festival ng bansa.

Magaganap ang ikatlong bahagi ng ToFarm mula September 12 to 18, 2018. Sa absence ni direk Maryo J, hiningan ng tulong ni  Dr. How bilang festival advisers sina Bibeth Orteza at Joey Romero. Magsisilbing consultant naman si Laurice Guillen.

Sa dalawang taong itinakbo ng nasabing filmfest, ilang entry nito ang nabigyan ng pagkilala sa bansa at maging sa labas ng bansa. Ito ang mga pelikulang Pauwi Na, Pitong Kabang Palay, Paglipay, High Tide, at Installado.

Meron uling Short Film Competition na ang tema sa taong ito ay A Tribute To Life: Parating Na.

Sa April 20 ang deadline ng submission ng screenplay; May 9 ang announcement ng shortlist; May 23 naman ang announcement ng winners at August 17 ang submission ng mga natapos na pelikula.

Ang mga premyo na matatanggap ng mananalo ay P500,000 plus trophy para sa Best ToFarm film; P400,000 plus trophy, 2nd Best Film; P300,000 plus trophy para sa Maryo J. delos Reyes Special Award.

Lahat ng individual awardees ay tatanggap ng trophy.

Dyowa eekstra sa concert ni Zsa Zsa

Isang family affair ang magiging concert ni Zsa Zsa Padilla sa May 11 sa Newport Performing Arts ng Resorts World Manila. Bukod sa makakasama niya ang mga anak na sina Karylle at Zia Quizon, join din sa show ang mister ni Karylle na si Yael Yuzon ng bandang Spongecola at Robin Nievera na boyfriend ni Zia.

Join din kaya ang partner ni Divine Diva na si Conrad Onglao?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with