^

PSN Showbiz

Magka-Loveteam na ayaw umamin, ginugulo ng non-showbiz girl!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Siguro nga ay mapipilitan nang umamin ngayon ang magkarelasyong magka-loveteam dahil sa mga kuwentong lumabas tungkol sa young actor. May dahilan na para ipagsigawan nila ngayon ang kanilang pagmamahalan.

Maraming naiinis sa kanilang mga litanyang kabaligtaran naman ng mga nakikita sa kanila, panay-panay ang kanilang pagdedenay, magkaibigan lang daw sila at kinikilala pa ang isa’t isa pero nakikita naman silang naglalambingan sa harap ng maraming tao.

Kuwento ng aming source, “Makaibigan lang pala sila, e, bakit sa shooting ng movie nila nu’n, e, palagi silang naglalambingan? Lalo na ang young actor, walang pakialam sa mundo, yayakapin niya ang girl nang walang patumangga kahit pa mara­ming nakapaligid sa kanila!

“Kilig na kilig naman ang girl, gustung-gusto niya naman ang paglalambing ng guy, ganu’n ba ang magkaibigan lang? Nakakaloka ang mga batang ito!” napapailing na umpisang kuwento ng aming impormante.

Ngayon ay nasasangkot ang young actor sa kontrobersiya. May ibang babaeng ikinakambal sa kanyang pangalan ngayon. Non-showbiz ang babae na binibigyan ng atensiyon ngayon ng bagets.

“Ano sila ngayon? Aamin na ba sila sa totoo nilang relasyon? Ano ba naman ‘yun? Tanggap na nga ng family ng girl ang lalaki, isinama pa nga nila ang guy sa pagbabakasyon sa ibang bansa, deny-to-death pa rin sila?

“E, paano na kapag sila na talaga, ano na ang makikita sa kanila ng mga tao, mas matindi pa sa mga ginagawa nila ngayon? Tantanan na kasi ang pagdedenay.

“Ayan, natuto tuloy makipagkaibigan sa ibang babae ang young actor, ide­denay niya siyempre ‘yun, pero malulusutan ba niya ang social media? Anong pagdedenay pa ang sasabihin niya ngayon?

“Pero mabuti na rin ‘yan para magkaroon sila ng leksiyon ng girlfriend niya. Tago sila nang tago tungkol sa relasyon nila, deny sila nang deny, pero kapag na-link naman pala sa iba ang bawat isa sa kanila, e, matinding away na ang kasunod nu’n?

“Bakit sila nag-aaway kung hindi naman pala sila committed sa bawat isa? May reason bang magselos ang girl, e, magkaibigan lang naman pala sila? Nakakaloka talaga ang mga kabataan ngayon!

“Masarap bang hampasin ng bareta ang girl dahil sa pagpapa-tweetums niya? E, ang guy na walang kapagurang lakad nang lakad sa seryeng kasali siya, ano naman ang maitatawag sa kanya? Good ba siya?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Jodi nagiging halimaw kapag nalalagyan ng make-up!

Maraming nag-aakala na kapag tatlo ang karakter na ginagampanan ng artista sa isang serye ay tatlong doble rin ang kanyang talent fee. Hindi pala totoo ‘yun.

Maaaring tinataasan lang nang konti ang kanyang TF dahil sa sakripisyo niya sa taping, pero ayon sa aming source ay hindi para sa tatlong karakter ang kanyang bayad, isahan lang.

Ginawa na ni Claudine Barretto ang ganu’n nu’ng kasagsagan ng kanyang career sa ABS-CBN, bagsak ang katawan ng aktres pagkatapos ng taping, kaya ganu’n din kaya ang nangyayari ngayon ay Erich Gonzales sa Blood Sisters?

At si Jodi Sta. Maria, na ang galing-galing sa Sana Da­lawa Ang Puso bilang si Liza at si Mona, isa lang din kaya ang talent fee du’n ng magandang aktres?

Mas gusto namin ang kanyang karakter bilang si Mona sa serye dahil napakanatural niyang umarte. Aliw na aliw kami sa magandang girlfriend ni Vice-Governor Jolo Revilla dahil masang-masa ang kanyang dating bilang tagapag-alaga ng mga manok na panabong, malayung-malayo sa kilala na­ming Jodi na mahinhin at walang kibo, napakasimpleng babae.

Kapag nakikita namin si Jodi sa PNP Custodial Center kapag dumadalaw sila ni VG Jolo kay dating Senador Bong Revilla ay paborito niyang lugar ang pinakasulok na bahagi ng maliit na piitan.

Tahimik lang siyang nakaupo habang abala naman ang kanyang boyfriend sa pag-aasikaso sa mga bisita, kundi mo siya tititigan ay hindi mo aakalaling ang magandang aktres pala ang nandu’n, walang make-up at nakasimpleng T-shirt lang.

Napakagandang babae. Simpleng-simple. Pero kapag pinanood mo na siya sa kanyang pinagbibidahang serye ay mamamangha ka na lang. Halimaw ang dating ni Jodi Sta. Maria kapag nakukulapulan na ng make-up.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with