^

PSN Showbiz

Malditang young actress binubulyaw-bulyawan kahit ina!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Pinagpistahan din sa isang umpukan ng mga kilalang make-up artists ang isang malditang young actress na kung saan humuhugot ng kaangasan ay siya lang ang nakakaalam. Ilang mangungulapol na pala ng kolorete sa mukha ang naiinis sa babaeng ito.

Ang kanilang engkuwentro ay naganap sa iba-ibang lugar at okasyon. Merong sa shoot ng isang magazine cover, merong sa taping, merong sa live show.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Mema kasi ang babaeng ‘yun! Para bang napakahirap para sa kanya ang pagbibigay ng importance sa kahit sino. Kahit okey na okey naman ang ginagawa ng make-up artist, e, siguradong may sasabihin pa rin siyang nega.

“Tulad nu’ng one time, ang ganda-ganda ng ginawang make-up sa kanya, may peg kasi ang make-up artist, may ipinagagaya sa kanya ang magazine consultant. ‘Yun ang kailangang gawin.

“Aba, ang hitad na babae, nakasimangot, isang bakol ang pagmumukha, nagmamarunong! Ano raw ba naman ang ginawang make-up sa kanya, instead na mas gumanda siya, e, pumangit pa siya?

“Ang mommy niya ang ipinakausap ng hitad sa sikat na make-up artist, bakit daw ganu’n ang itsura ng make-up ng anak niya? E, iritado na ang make-up artist, kaya ang sagot niya sa mommy ng girl, ‘’Yun po ang peg! Kaya bang make-up-an ng anak n’yo ang sarili niya?’

“Pahiya si madir, walang nasabi, kaya pagbalik niya sa anak niya, e, silang dalawa na ang nagkaproblema! Tinalak-talakan ng anak ang ina, talagang dinig na dinig ‘yun ng mga nasa dressing room!

“Hindi lang maldita ang young actress na ‘yun, wala pa siyang respeto sa magulang, kapos na kapos siya sa GMRC, sa totoo lang!” simulang kuwento ng impormante.

Feeling-sikat na kasi ang girl, ang akala niya ay poste na siya ng mga palabas na kasali siya, kahit pa kaibigan lang naman siya ng bumibida.

Kuwento naman ng isang reporter, “Dinaanan lang kami ng babaeng ‘yun nu’ng minsan! Ilang beses na kaming ipinakilala sa kanya ng handler niya, pero para siyang may amnesia sa kamalditahan!

“Wala lang, basta dinaan-daanan lang niya kami, nakataas pa ang noo na akala mo siya sikat na personality, e, kundi nga siya kaibigan lang naman ng bida, e, kaklase siya!

“Walang mararating ang babaeng ‘yun! Gaano man siya kabilib sa itsura niya, e, walang naghihintay na magandang opportunity sa kanya dahil sa sobrang kamalditahan niya!

“Pakainin kaya natin ng hopia ang malditang ‘yun? Kailangan niya ng hopia para ma-address natin ang ugali niyang siya lang ang nagkakagusto!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Alma wala nang pakialam sa hitsura ng katawan

Sa kabila ng pagdoble ng kanyang katawan ay napakaganda pa rin ni Alma Moreno. Wala na ang bakas ng pagiging Ms. Eva Fonda niya nu’n pero ang kanyang ganda ay marami pa ring pakakainin ng alikabok.

Mas binibigyan na ng tutok ngayon ni Ness ang pag-arte kesa sa pulitika, ito naman kasi talaga ang una niyang minahal, namulat na lang siya sa pulitika nang magkaroon sila ng relasyon ni dating Mayor Joey Marquez.

Kahanga-hanga rin ang katatagan ng kalooban ni Alma Moreno. Marami siyang pampamilyang problemang pinagdaanan at pinagtagumpayan mula pa kina Mark Anthony Fernandez at Vandolph.

At ilang pakikipagrelasyon na bang hindi nagtagal ang pinagdaanan ni Alma? Ang dami-dami na pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagtitiwala sa pag-asang isang araw ay matatagpuan din niya ang lalaking makakasama niya nang pang­habambuhay.

Isa si Alma Moreno sa iilang artistang napakaganda may make-up man o wala. Walang maling parte ng kanyang mukha at walang binago ng siyensiya sa kanyang itsura.

Isa lang ang palagi niyang sinasabi, “Katawan ko lang ang hindi nagpapigil, kasama na ito sa pagdadagdag ng age. Kahit anong diet pa ang gawin mo, kapag nagkakaedad ka na, talagang dodoble ang katawan mo!”

Pero magandang-maganda pa rin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with