^

PSN Showbiz

Tony nakaligtas sa bashing, Leila hindi pa comPortable

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Tony nakaligtas sa bashing,  Leila hindi pa comPortable

Tony at Leila

Matatawag na isa sa pinaka-accomplished na baguhang artista na ini­lunsad bilang bahagi ng Star Magic Circle si Tony Labrusca na nabigo sa unang pagsabak niya bilang kandidato sa Pinoy Boyband Superstar, pero umani ng pansin at papuri nang mapasama sa ser­yeng La Luna Sangre kung saan naging third wheel siya ng KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Nakapagtataka lamang na hindi siya na-bash ng fans ng celebrity couple at hindi sila na-threaten.

Isa sa 13 baguhang artista na itinataguyod ng Star Ma­gic ang 22 taong gulang na artistang anak ni Boom Labrus­ca. Unfortunately, hindi siya lumaki sa piling ng kanyang ama. Ang nakakabata niyang kapatid ang nagsilbing tulay para magkalapit sila ni Boom.

Wala silang conflict at away ng isa pa ring bagong lunsad sa Star Magic Circle 2018 na si Donny Pangilinan dahil parang pinag-aagawan nila si Kisses Delavin.

Mukha namang hindi relax sa launching sa Star Magic ang panganay ni Ogie Alcasid kay Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid. Panay ang ayos nito sa kanyang buhok sa rehearsal ng kanilang musical number hanggang sa performance.

Dahil marahil sa mga ginagampanan naman niyang roles kung kaya nagulat ako na malamang kabilang din si Anna Luna sa batch 2018. Produkto siya ng PETA (Philippine Educational Theater Association) at nanalo na ng Best Actress sa abroad at maging dito sa atin. Pinakanagustuhan ko siya sa Changing Partners kung saan nagpakita siya ng talento sa pagkanta.

Batch nina Vickie, catriona, at Michele magaganda at may utak

Kita na isa sa pinakamaganda sa 40 na kandidata sa Binibining Pilipinas 2018 ang dating housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) na si Vickie Rushton. Kilala rin siya bilang nobya ng aktor na si Jason Abalos. Isa siya sa pinakamaagang nag-fill up ng application sa prestihiyosong beauty contest kasabay ng volleyball star na si Michele Gumabao. Silang dalawa at ang Miss World Philippines 2016 na si Catriona Gray ang tatlo sa mga paboritong mag-uuwi ng ilan sa mga titulong at stake sa nationwide pageant na nagtatampok ng mga propesyonal. 

Pinaka-impressive ang line-up ng contestants ngayon dahil bukod sa magaganda na ay may laman pa ang mga utak.

Billy at Coleen iwas na sa isyu ng panggagamit

Mukhang umiiwas si Billy Crawford na mapagtuunan ng pansin kahapon sa It’s Showtime. Dulot marahil ito ng mga hindi magagandang balita tungkol sa kanila ni Coleen Garcia na ang pinakagrabe ay sinasabing panggagamit nila sa mga katutubo ng Ethiopia sa kanilang pre-nup pictorial.

Hindi naman marahil ‘yun ang intensyon nila, pero kailangan pa rin nilang mag-sorry o magpaliwanag man lang sa mga nasaktan nila.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with