^

PSN Showbiz

Beauty queen actress isa-isang kinakalasan ng advertisers

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Napikon sa sobrang kaartehan

PIK: Tama talaga si Gabby Eigenmann na ang pelikulang Citizen Jake ang isa sa mga proyektong nagawa niya na dapat talagang i-treasure. Napakagaling niya sa pelikulang ito, at aminado siyang talagang kinarir niya at pinag-aralan ang role na ginampanan dahil si Mike de Leon ang director nito.

Dream daw niya talagang maidirek ni Mike de Leon na siyang nagdirek ng pelikulang Batch 81 ng Daddy niyang si Mark Gil.

“It’s unforgettable experience. It’s gonna be treasured…a very very long time,” pakli ni Gabby sa advance screening ng naturang pelikula na ginanap sa UP Film Center noong nakaraang Sabado ng gabi.

Sabi pa ng Kapuso actor, “Direktor kasi ni Daddy ‘yan eh, sa Batch 81. Kahit ano man ang maging parte ko sa project na ‘to, the fact na I was in it as an actor.

 “Kaya sabi ko, ‘bahala na kung ano ang madatnan ko sa set…pero iba talaga ang feeling.”

Kaya pagkatapos ng screening ay pinuri siya ng halos lahat ng nakapanood.

Speechless si Gabby at hindi raw niya alam kung gaano siya kasaya na naging bahagi ng proyektong ito ni Mike de Leon.

Bahagi rin si Gabby sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Contessa na magsisimula na sa March 19.

PAK: Ayaw na raw kunin ng ilang advertisers ang beauty queen/actress dahil napipikon na sila sa kaartehan nito. Ang dami na raw kasi niyang demands at nahihirapan na silang katrabaho ito.

Napapansin naming may mga commercial naman siya, pero may ilang adverti­sers na nagrereklamo na at nagsasabing hindi na raw nila ito kukunin sa susunod na projects.

Kilala namin ang beauty queen/actress na mabait naman, at masarap katrabaho dati. Baka nga nagbago na siya dahil kahit sino pa ang susunod na titleholder, hindi na makakalimutan ang koronang nakapatong sa ulo niya.

BOOM: Nag-react na ang pre­sident ng KAPPT o Katipunan ng mga Artistang Pilipino sa Pelikula at Telebisyon, Inc. na si Imelda Papin sa nang­yari kay Christopher de Leon kung saan naaksidente at muntik na niyang ika­matay ang death scene sa Kambal, Karibal.

Sabi ni Imelda nang makausap namin sa Showbiz Talk Ganern sa DZRH kamakalawa ng gabi, talagang pag-uusapan na raw nila ito sa board dahil dapat talagang mabigyan ng tamang pag-iingat ang lahat na mga artistang nagtatrabaho sa taping o shooting.

Sabi ni Imelda, “Actually, we’ll be concentrating on this now.

“Nung umupo ako, nag-concentrate muna ako sa SSS na mabigyan ang mga members, pagkatapos ang Philhealth na covered ang mga actors, actresses, stuntmen.

“We already discussed that sa board, at ‘yun ang aming iko-concentrate on how to deal with it, kung paano maproteksyunan ang mga artista natin pagdating sa shooting.

“Kasi responsibility talaga ‘yan ng mga producer. Kailangan talaga ay obligasyon din ng mga producer na alagaan ang mga artista, hindi lang ‘yung binabayaran nila.

“Ngayong nangyari ito kay Boyet, I think mas mapapadali. Kasi how much more ‘yung mga maliliit na artista na hindi naman nila inire-report o inirereklamo.”

Gusto raw niyang ipara­ting sa lahat na mga artista, malaki man o maliit, na bukas ang tanggapan ng KAPPT sa lahat na mga hinaing nila para mabigyan daw sila ng atensyon at proteksyon ng naturang grupo.

“Our office is open. May office po tayo sa Mo­welfund, meron din tayo office sa SSS sa may East Avenue,” pahayag ng KAPPT prexy Imelda Papin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with