^

PSN Showbiz

Partner ni Jomari, ingat na ingat sa panganganak!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Partner ni Jomari, ingat na ingat sa panganganak!

Malapit nang magkaroon ng baby brother ang 19-year-old young actor na si Andrei Yllana dahil nakatakdang magsilang ng baby boy ang non-showbiz partner ng kanyang amang si Jomari Yllana na si Joy Reyes who is due to give birth sometime in May this year.

Bago ang ipinagbubuntis ngayon ni Joy ay nagkaroon siya ng miscarriage before sa magiging ­unang supling sana nila ni Jomari kaya ibayong pag-iingat ang ginawa ng girlfriend ng actor.

Excited si Jomari sa kanyang magiging second son.

Mariel modern music na ang type kantahin

Malaki ang hawig ni Mariel de Leon sa kanyang tiyahing actress now based in the US na si Pinky de Leon at aware rito ang dalaga.

Come March 18 ay ire-relinquish na ni Mariel ang kanyang korona sa bagong tatanghaling Bb. Pilipinas-International na ka­ka­tawan sa Pilipinas sa Miss International pageant in Tokyo, Japan in November this year.

Aminado si Mariel na marami siyang natutunan nang tanghaling Bb. Pilipinas-International hanggang sa kanyang pag-represent sa bansa. Hindi man siya nakapag-uwi ng kahit na anong award mula sa Miss International pa­geant nu’ng nakaraang taon, it made her a better person and came to appreciate things no matter how small they are.

Ngayong nasa pangangalaga na siya ni Leo Dominguez, may nakatakda siyang sisimulang indie movie, ang Latay na pagsasamahan nila nina Lovi Poe at Allen Dizon na nakatakdang idirek ni Ralston Jover under BG Films.

Gusto ring ipagpatuloy ni Mariel ang kanyang pagiging singer by shifting from opera to pop or modern music.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with