^

PSN Showbiz

KZ ligwak na raw sa Singer 2018!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
KZ ligwak na raw sa Singer 2018!

KZ

Guwapong aktor magiging ama na!

PIK: Kahapon ang last shooting day ng pelikulang Sid and Aya (Not A Love Story) na pinagtatambalan nina Dingdong Dantes at Anne Curtis. Si Irene Villamor ang direktor at maayos na natapos ang kanilang shooting, sabay bonding nina Dingdong at Anne kasama ang buong production staff sa Japan.

Nagkasama dati sina Dingdong at Anne sa TGIS, at ngayon lang sila nagkasama sa pelikula. Ayon sa ilang bahagi ng produksyon na nakaka-text namin doon, tuwang-tuwa raw ang mga Pinoy na nakikiusyuso sa shooting. Pero hindi naman daw sila nakikigulo.

Nakakaloka lang ang ilang bashers na nagpu-post at nini-nega agad ang project nina Dingdong at Anne. Si Marian Rivera pa rin kasi ang gusto nilang makasama ni Dingdong sa pelikula.

PAK: Ayaw kaming sagutin ng manager ng guwapong aktor kung totoong malapit na nga ba itong maging ama. Ayon sa ­aming source, malapit na raw manganak ang non-showbiz girlfriend ng guwapong aktor.

Ang aktor ay gumanap sa isang challen­ging role sa pelikula kung saan pumayag siya sa isang eksenang may halikan sa kapwa aktor. Tahimik lang ang guwapong aktor, kaya malamang na iwasan na niyang pag-usapan pa sa publiko ang pagiging binatang ama.

BOOM: May lumabas na spoiler na eliminated na raw sa episode 9 ng Singer 2018 si KZ Tandingan. Balik na raw uli sa no. 1 si Jessie J at may bago na itong challenger.

As of presstime, wala pang sagot sa amin ang taga-Cornerstone sa status ni KZ Tandingan. Hindi namin alam ang buong proseso, pero may nagsasabing pasok pa rin naman daw ang pambato natin sa semi-finals.

Ang lumabas pa lang sa YouTube ay ang episode 8 kung saan rock number ang tinira ni KZ na Real Gone mula sa animated movie na Cars. Hindi raw nakapag-perform si Jessie J dahil nagkasakit ito. Kaya ewan ko kung paano umariba sa number one ang British singer pagdating sa episode 9.

Abangan na lang ang update sa pakikipagtunggali ni KZ sa Singer 2018.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with