^

PSN Showbiz

Makisig kinakayang malayo sa GF!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Makisig kinakayang malayo sa GF!

Makisig

After five years ng pananatili sa Australia kung saan nag-migrate ang buo niyang pamilya, bu­malik ng bansa si Makisig Morales matapos tanggapin ang offer ng ABS-CBN para sa umeereng teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano, Enrique Gil, Matteo Guidicelli, Makisig, at Sofia Andres.

Maganda ang role ng comebacking actor na nakatapos ng culinary arts. Hindi pa sigurado si Makisig kung magtutuluy-tuloy na sa Bagani ang pagbabalik niya sa pag-aartista.

May weakness kasi siya na mabilis maka-miss ng kanyang pamilya kapag matagal siyang nalalayo. Kaya nga sumama siya sa kanila sa Austalia sa kasagsagan ng kanyang pag-aartista.

Ang hindi naaapektuhan ng ka­nilang paglalayo ay ang relasyon  nila ng girlfriend na si Vianne. Limang taon na ang relasyon nila. Abala ito sa pag-aaral ng dentistry at nagkakasya na lamang sa araw-araw na komunikasyon nila sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.

Salamat sa mga kaibigang nakaalala…

Salamat sa nakaalala ng birthday ko noong March 7. I don’t usually celebrate my birthday, pinalalampas ko lang ito palagi in silence. Pero laking gulat ko when friends from my Atlas Publications days came to my house bearing not only their well wishes but also food, fit for a big celebration.

Wala na akong masabi but to thank the Lord above for friends like the Temperante couple, Harry & Nini, Celia Ramo, Ellen and Ma­rian Buenviaje, Cielo Samson, Benet Bohol, Fely Dalupe and Baby Espeletra. They gave me my happiest birthday celebration ever which I normally spend with my family, children and their spouses, and my grandsons.

May nakaalala ring iba tulad nina Virgie Balatico at Fely, girl friday ni Imelda Papin. Sila at ang mga nagpahatid ng kanilang pagbati sa telepono, salamat ng marami, pinaligaya n’yo ang aking 73rd birthday. (Belated happy birthday po tita Vero. – SVA)

Danita sinuwerte sa non-showbiz bf

Mukhang natuto na si Danita Paner sa ilan niyang failed relationships in the past sa mga tulad niyang artista kung kaya ayaw na niya ng nobyo mula sa showbiz. Tama naman siya sa ­naging desisyon. Masaya siya at walang nakikitang problema sa relasyon nila ng kanyang non-showbiz Fil-Chinese businesman boyfriend na mukhang masuwerte sa kanyang karera.

Kasama siya sa Sarah Geronimo-James Reid movie na Miss Granny. Isa rin siya sa mga leading lady ng isa sa tatlong anak ni Bong Revilla na sama-samang ilulunsad sa isang pelikula para sa Imus Productions. May serye rin siyang ginagawa para sa Cignal TV.

On top of this, nakuha siyang endorser ng isang beauty salon and spa at mas madalas na siyang maaalala dahil sa mga billboard na ilalagay ng spa/salon owner.

Sa kakapusan ng exposure at balita tungkol sa kanya these past months, may negosyo si Danita na itinatag at  pinagsososyohan nila ng ilang kaibigan na taga-showbiz din.

Sofia kailangang magpabango

Dapat mag-effort ng todo si Sofia Andres para mapigil ang pagkalat at pagtutuluy-tuloy ng hindi magandang balita tungkol sa kanya. Ang ganda pa naman ng takbo ng kanyang karera na naapek­tuhan sa sinasabing hindi maganda o masamang ugali niya.

Ilang hakbang na lamang at abot na niya ang tagumpay. Payag ba siyang makakawala pa ito dahil sa nga paratang nila? Eh, ang dali-dali namang suklian ng kabutihan ang magandang bigay sa kanya ng kapalaran.

Ano sa palagay mo, Sofia?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with