^

PSN Showbiz

Bernardo Bernardo ike-cremate!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Bernardo Bernardo ike-cremate!

Bernardo

Noong nakaraang buwan ng Pebrero, dalawang taga-industriya ang pumanaw, ang TV and movie director na si Argel Joseph (Angel Cruz) na sinundan ng ko­medyanteng si Tintoy (Johnny Arcega). At nitong nakaraang March 8 ay sumunod naman ang veteran stage, TV and movie actor na si Bernardo Bernardo who just turned 73 sa kanyang huling kaarawan nung January 28.

Si Bernardo Bernardo mismo ang nagbalita sa kanyang social media account that he was diagnosed of tumor sa pancreas na siyang naging sanhi ng unti-unting pagkahulog ng kanyang kalusugan.

Tumatak nang husto sa mga manonood ang kanyang ginampanan papel as Steve Carpio sa dating hit weekly sitcom ng ABS-CBN, ang Home Along Da Riles na pinagbidahan ng Comedy King na si Dolphy.

Bernardo Bernardo took his Master’s degree sa University of California, USA at nabigyan din siya ng British grant na makapag-aral sa London Academy of Music and Dramatic Arts.

Nakatrabaho rin noon ni Bernardo Bernardo as a little girl si Lea Salonga sa stage musical play ng Reper­tory Philippines, ang The King of Siam kung saan sila gumanap na mag-ama.  Nakagawa rin noon si Bernardo Bernardo ng foreign films na dito sa Pilipinas kinunan.

Ang mga labi ni Bernardo Bernardo ay nakalagak ngayon sa St. Peter Memorial Chapel in Quezon City. Ike-cremate ang kanyang mga labi sa Martes at ilalagak ang kanyang mga abo sa Sta. Ana Church, Manila.

Meghan inaasikaso na ang pagiging British citizen

Nagkaroon ng secret ceremony sa pagbibinyag at confirmation ng American actress at divorcee na si Meghan Markle into the Church of England bilang paghahanda sa May 19, 2018 royal wedding nila ni Prince Harry na gaganapin sa St. George’s Chapel ng Windsor Castle.

Ang sikretong ceremony ay gi­nanap last Tuesday (March 6) evening sa Royal Chapel ng St. James Palace in London na dinaluhan ni Prince Harry, ama nitong si Prince Charles at second wife na si Camille, Duchess of Cornwall. Ang 45-minute ceremony ay pinamahalaan ni Archbishop Justin Welby, ang Archbishop ng Canterbury na siya ring mag-o-officiate ng kasal ng soon-to-be royal couple on May 19.

Ngayong nabinyagan at nakumpirmahan na si Meghan, puwede na siyang sumabay sa communion ng Royal family.

Ang isa pang pinoproseso ngayon ay ang pagiging British citizen ng American actress. Pero magmula nang i-announce ang engagement nina Prince Harry at Meghan Markle in November 2017 ay sa Kensington Palace na siya naka­tira at tuluyan na niyang tinalikuran ang kanyang pagiging aktres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with