^

PSN Showbiz

Daniel patago ang ginawang kabaitan sa nagtitinda ng sampaguita!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Daniel patago ang ginawang kabaitan sa nagtitinda ng sampaguita!

Daniel

PIK: Thankful si Jobert Sucaldito sa mga loyal niyang alaga sa gitna ng mga pinagdadaanan niya at sa mga kasong isinampa at hinaharap din niya.

Isa na rito ang magaling na singer at tinatawag nilang ‘Hugot King’ na si Kiel.

Mamayang gabi ay may concert si Kiel sa Teatrino na pinamagatang Hugot King Strikes Anew. Makakasama niya rito sina Token Lizares, Joyce Yadao, EJ Salamante, AJ Tamiza, at Le Chazz.   

PAK: Wala pang eksaktong date, pero mukhang sa April 2019 na raw ang kasal nina Mark Zambrano at Aicelle Santos.

Pahayag ni Mark nang makausap namin sa programang Showbiz Talk Ga­nern sa DZRH, “Wala pang specific date, pero as of now generally lang, we’re looking at April 2019.

“Kasi she’ll be  back by March of next year. So, ang challenge nito we’ll be planning the wedding separately nito. ‘Yung legwork nito, malamang na ako na mag-aayos.”

Simpleng Christian wedding lang daw sa beach ang gusto nila na dadaluhan ng pamilya at close friends.

“Ang personality kasi namin hindi masyadong formal eh. ‘Yung relaxed lang ‘yung ganun eh,” pakli pa ni Mark.

Sa March 22 ay tutulak na patu­ngong London si Aicelle kaya gusto nilang magkaroon ng quality time silang magkasama.

Sasamahan daw ni Mark si Aicelle na dalawin ang lola niya sa Batangas at magbi-beach daw silang dalawa.

BOOM: Isang kaibigan ang nag-text sa amin na nasaksihan daw niya kung gaano kabait si Daniel Padilla.

May pictorial daw para sa cover ng isang glossy magazine sina Daniel at Kathryn Bernardo noong nakaraang Miyerkules ng hapon.

Sa isang studio raw iyon sa Katipunan, Quezon City at pagkatapos ng pictorial ay nakita raw niyang inihatid ni Daniel sa kotse si Kathryn kasama ang Mommy Min ng Kapamilya young actress.

May batang lalaki raw na nagtitinda ng sampaguita na lumapit kay Daniel para alukin. Wala palang dala si Daniel na cash, kaya isinama raw niya ang bata sa kotse.

Humiram si Daniel ng pera sa kanyang road manager at patagong ibinigay sa bata. Hindi na nito kinuha ang sampaguita.

Tuwang-tuwa raw ang bata na umalis. Dalawang tig-100 ang ibinigay ni Da­niel.        

Sabi raw ng bata, lalo raw niyang na-idolize ang Kapamilya young actor.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with