^

PSN Showbiz

Janine ayaw tantanan ng fans ni Alden!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Sa April 5 ang alis nina Alden Richards at mga kasama sa Sikat Ka, Kapuso shows na naka-set sa Apr. 7, New Jersey at Apr. 8, Toronto. Sabay-sabay ang alis nina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya, at Dingdong Dantes.

Bago umalis, may mga commitment pa si Alden na tatapusin. Tapos na siyang mag-taping ng Lenten Special ng Eat Bulaga at sa teaser, lumalabas na mag-ama ang role nila ni Tirso Cruz III. Kasama rin sa episode sina Sen. Tito Sotto at Joey de Leon.

Samantala, kahit wala pang formal announcement ang GMA 7, kalat na ang balitang si Janine Gutier­rez ang leading lady ni Alden sa Mitho. Pero ang balita, isa lang siya sa makakapareha ni Alden. May mangilan-ngilang namba-bash na kay Janine, pero karamihan ay natutuwa na finally ay matutuloy na ang pagtatambal nila.

Gabby Itinanggi ang pag-ayaw uli kay Sharon

Napanood namin ang video clip ng guesting ni Gabby Concepcion sa The Arnold Clavio Show kung saan kumanta siya ng Itanong Mo Sa Akin. Hindi binanggit kung kailan ang airing ng guesting ni Gabby.

Gustong mapanood lalo na ng fans nina Gabby at Sharon Cuneta ang guesting ng aktor at baka natanong siya ni Arnold sa isyu sa kanila ni Megastar. Wishing pa rin kasi ang fans na matutuloy pa rin ang matagal nang inaabangang reunion movie nila. Lalo na at sa interview ni Ricky Lo kay Gabby sa Philippine Star na lumabas nung isang araw, tuloy ang movie at hindi niya alam kung saan ang balitang hindi na ito matutuloy.

Samantala, nag-last taping day ng Ika-6 Na Utos na magtatapos na sa March 17. Pagkatapos ng taping, magbabakasyon ang cast at staff sa beach house ni director Laurice Guillen sa Batangas at se-segue sila sa beach house ni Gabby sa Lobo, Batangas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with