^

PSN Showbiz

Aktor na kakapiranggot ang ari, grabeng manggatas ng tsinutsugi!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Isang gabi ‘yun habang pinano­nood ng isang tropa ng mga beki ang isang matagumpay na serye sa telebis­yon. Binigyan ng close-up shot ang isang male personality, halos sabay-sabay na nagsigawan ang mga bading, “Ay, si Mr. User Friendly!”

Marami pang alam na kuwento ng pagiging user ng lalaking personalidad ang mga beki, iba-ibang kababaihang artista ang kasali, mga female perso­nalities na nakarelasyon ng aktor.

Kuwento ng isang beki sa umpukan, “Nu’ng sila pa ni ____(pangalan ng isang kilalang aktres), e, matinding maglambing ang mhin na ‘yan! Kapag may show sa ibang bansa ang girlfriend niya, e, hindi siya nagkakasya sa pagbibilin lang ng mga gusto niyang ipabili!

“Talagang detalyado niyang isinusulat ang mga gusto niya. Kunwari, sapatos ang gusto niya, nakadetalye du’n ang brand, kulay at size ng paa niya, siyempre! Ganu’n siya katindi!

“Kapag T-shirts naman ang bilin niya, buong-ningning din niyang inilalagay ang mga kulay, ang mga brand, talagang ibang klase siyang magbilin, detalyado!

“Naloloka ang girl, kasi, ang haba-haba ng listahang ibinibigay ng boyfriend niya, parang wala na siyang maipambibili ng mga sarili niyang kagamitan, kasi nga, madugo na ang presyo ng mga gustong pasalubong ng guy!”  tawa nang tawang kuwento ng beking source.

Nu’ng magkarelasyon naman sila ng isang aktres na medyo nagkakaedad na pero maganda at sexy pa rin, walang ipinagkaiba ang drama ng aktor, card naman ng aktres ang tinuyo niya sa pagbili ng mga granatsa niya.

“Palagi niyang niyayayang mag-shopping ang girlfriend niya, kasi nga, ang credit card ng girl ang kailangan niya. E, mahal na mahal siya ng girl, kaya pay na lang siya nang pay ng credit card niya na ang umuubos ng laman, e, ang lalaking ‘yun!

“Pero hindi siya naka-first base sa isang naging girlfriend niya, makunat pa sa inuyat ang babaeng ‘yun, wala siyang ginanansiya, kaya mabilis din silang nagkahiwalay!

“Super-user ang lalaking ‘yun! Hindi siya tatagal sa pakikipagrelasyon nang wala siyang nakukuha sa babae! Pero ang the height, isang beki ang nagkuwento na magaling lang siyang maglam­bing, pero wala naman pala siyang maipagmamalaking sandata!

“Korek! Taga-Duty Free ang guy, hindi siya puwedeng tumira sa Dakota Harrison, dahil wala siyang maipagmamayabang na armas!”  pagtatapos ng a­ming source.

Ubos!

Bong umaasa pa rin sa hustisya 

May direktang tusok sa puso ang pinakawalang emosyon ni da­ting Senador Bong Revilla, Jr.. Para kaming nagbabasa ng komiks at nanonood ng pelikula kung saan araw-araw na bini­bilang ng nakapiit ang ipina­mamalagi niya sa kulungan sa pamamagitan ng mga numero sa pader.

At ramdam namin ang kanyang kalungkutan dahil hindi na namin mabibilang ang mga pagkakataong dinadalaw namin siya sa PNP Custodial Center. Habang marami pang dalaw ay nagpapakita siya ng saya pero kapag nag-uwian na ang lahat ay katotohanan na naman ang kanyang kayakap.

Matindi na ang sigaw ng kanyang mga tagasuporta, harinawang tulad ni dating Senador Jinggoy Estrada ay mabigyan na rin si Senador Bong ng pagkakataong makalaya, lalo na’t wala namang napatutunayang dapat siyang magdusa sa bintang na ibinato laban sa kanya.

Mula sa pusong pahayag ng aktor-pulitiko sa pinakahuli niyang paglalantad ng damdamin sa loob ng kulungan. “Halos apat na taon o mahigit 1,300 days na akong nakapiit mula sa aking pagsuko sa Sandiganbayan noong 2014. Ilang birthday na nga ng aking mga mahal sa buhay at mga mahahalagang okasyon ang aking napalampas—mahahalagang oras na hindi na maibabalik—dahil sa aking kinalalagyan. Hanggang kailan pa kaya?

“I do not deserve to be incarcerated, gayun­paman, buo ang tiwala ko sa sistema kaya mula’t sapul ay sumailalim ako rito. Tulad ng ipina­nga­ko ko noon, patuloy kong hinaharap ang lahat ng mga paninira at kasinungalingan na ibinato nila sa akin.

“Matatag, buong tapang at buong pag-asa kong sinasalubong ang lahat ng pagsubok na dumarating sa kabila ng napakahaba nang panahong lumipas na hanggang ngayon ay wala pa namang napapatunayan laban sa akin.

“This will never weaken my resolve to fight for the truth and what is right. I am steadfast in my commitment to our kababayans. Naniniwala pa rin ako sa hustisya. I trust the truth will prevail and that I will be vindicated. Tiwala ako sa ating mga hukuman na tanging makapaglilinis sa aking pangalan. Kumpiyansa akong makakamit ko pa rin ang katarungan.

“Salamat sa lahat ng mga nagdarasal para sa akin. Please continue to pray for me. Tuloy lang po tayo sa panalangin at diringgin din ito,” panalangin ni Senador Bong Revilla.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with