^

PSN Showbiz

Sikat na personalidad muntik maaktuhan ng misis sa ‘kaligayahan’ sa iba!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nu’ng minsang mapadaan ang aming source sa isang kilalang establisimyento sa isang lunsod ay biglang nagbalik sa kanyang alaala ang isang karanasang pinagdaanan ng isang sikat na sikat nang lalaking personalidad ngayon.

Panahon pa ‘yun ng kanyang kapusukan, marami pa siyang bisyong itinatago sa kanyang misis, lalo na ang kahinaan niya sa kaway ng mga kababaihan. Marupok pa siya nu’n, madaling mabulid sa tukso, pero matindi ang pang-amoy ng kanyang asawa.

Kuwento ng aming source, “Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring ‘yun. Nauna na sa hotel ang girl, siya naman, sa basement dumaan kasama ang da­lawa niyang bodyguards. Ang hindi alam ng male personality, e, sinusundan pala siya ng wife niya that day.

“Nakarating na kasi sa misis niya na may itinatago silang relasyon ng isang female personality. May boyfriend ang girl, pero magkarelasyon din sila, pinagsasabay sila ng babae.

“Natural, alangan namang nagbabasa lang sila ng komiks sa hotel room? Hindi rin naman puwedeng naglalaro lang sila ng chess, ‘di ba? They had their special moment, siyempre!

“Pero ang masaklap, after nilang bu­miyahe sa kaligayahan ng girl, e, tumawag ang wife niya at ang sabi, ‘Alam ko kung saan ka nandu’n ngayon, kanina pa kita sinusubaybayan. Pupuntahan ko kayo ngayon d’yan ng malandi mong kasama, maghintay kayo!’

“Natural, nawindang ang male personality, mabilisan siyang nagbihis, dumaan siya sa fire exit ng hotel! Ginawa niya ‘yun, para siyang action star! Dumaan siya sa likod ng hotel na ibang bakuran na ang nakasasakop.

“Ang girl naman, e, naiwan sa hotel room, takot na takot din siyempre, kaya inabot siya nang gabi bago lumabas ng hotel. Nakatakas ang male personality sa siguradong pagkahuli sa kanya ng misis niya, pero malaking away ang naging kasunod nu’n!

“Walang inamin ang guy, kesehodang nagwawala na ang wife niya, pinanindigan ng lalaki na hindi siya ang nasundan ng misis niya kahit pa pati plate number ng car, e, kabisado ng asawa niya!” pag-alala ng aming source.

Ngayon ay ideal husband and father na ang male personality, wala na rin siyang bisyong pinagkakaabalahan, itinapon niyang lahat ‘yun mula nang mapasama siya sa isang religious group na nagpabago ng kanyang buhay.

“Deny nang deny ang girl, hindi raw sila naging magkarelasyon ng sikat na ngayong male personality. Nakakaloka siya, baka lumubog siya sa kinatatayuan niya kapag nagsisinungaling siya!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Baron parang maamong tupa sa kulungan!

Pamilya rin ni Baron Geisler ang maglalagak ng piyansa para makalaya siya sa Angeles Police Station, pero sa isang kundisyon, ididiretso na siya sa isang rehabilitation center.

Agad namang pumayag si Baron, pero sa isang kundisyon din, kailangang sagutin ng kanyang pamilya ang malaking gastos sa rehab na paglalagyan sa kanya.

Dahil wala siya sa ilalim ng ispiritu ng alak ay parang maamong tupa si Baron habang nagsasalita. Ito na raw siguro talaga ang niloob ng Diyos para magbago na siya nang tuluyan.

Naging malaking leksiyon daw para sa kanya ang alitan nilang magbayaw para sa ikabubuti ng kanyang buhay. Nakatakda nang iurong ni Michael Morales ang mga kasong isinampa nito laban sa aktor.

Harinawang ito na nga ang maging senyal para sa pagbabago ni Baron Geisler. Kailangan na talaga niya ng professional help, hindi na kapani-paniwalang alak lang ang nagiging dahilan ng mga kahihiyang kinapapalooban niya, may prosesong kailangan niyang pagdaanan para maitama ang takbo ng kanyang isip.

Dapat siyang magpasalamat dahil sa kabila ng kawalanghiyaan niya ay meron pa ring mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa kanya. Ang ginagawa ng kanyang mga kapatid ay hindi kayang ibigay sa kanya ng ibang tao.

Huwag na sanang sayangin pa ng aktor ang magandang pagkakataong ito. Hindi ito para sa kanyang pamilya, para sa kanya ang prosesong pagdadaanan niya, kung mahal ni Baron ang kanyang sarili ay hindi na niya pakakawalan pa ang magandang oportunidad na iniaalok ng kanyang pamilya.

Bernardo Bernardo sumuko na sa kanser

Ang taos-puso naming pakikiramay sa lahat ng mga inulila ng magaling na aktor ng entablado, telebisyon at pelikula na si Bernardo Bernardo.

Pumanaw si BB kahapon nang madaling-araw pagkatapos makipaglaban sa pancreatic cancer nang ilang buwan. Muli, ang sinsero naming pakikiramay, ipanalangin po natin ang kanyang kaluluwa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with