^

PSN Showbiz

Willie gusto na lang maging single forever?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Willie gusto na lang  maging single forever?!

Mukhang wala sa immediate plan ng actor-comedian-turned TV host-producer and businessman na si Willie Revillame na muling mag-asawa magmula nang ma-annul ang kanyang second marriage sa ex-wife niyang si Liz Almoro kung kanino siya may isang anak na lalake na si Juame.

Taong 2008 pa nagkahiwalay sina Willie at Liz.  Muling nag-asawa si Liz in 2014 sa model-actor na si Victor Aliwalas.

Bago pinakasalan ni Willie si Liz in 2005, una niyang pinakasalan ang aktres na si Princess Punzalan pero nauwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.  Si Princess ay muling nag-asawa sa American husband niya ngayon na si Jason Field at sa Amerika ngayon naka-base ang mag-asawa since 2005.

Ang panganay na anak ni Willie ay ang aktres na si Meryll Soriano na anak niya sa nakatatandang kapatid ni Maricel Soriano na si Bec-Bec Soriano.

Sa pagkakaalam ko, si Willie ay may dalawa pang ibang anak sa dalawang magkahiwalay na babae nung panahong sisinghap-singhap pa ang kanyang career.

Baron nagsi-self destruction na!

Self-destruction na ang ginagawa ng actor na si Baron Geisler sa kanyang sarili. Lalo lamang niya nilulubog ang kanyang sarili sa kanyang mga pinaggagawa lalo na kapag siya’y nakakainom dahil ultimo mga kaanak niya ay hindi na niya pinapalampas.

Hindi na rin umano natutuwa kay Baron ang kanyang mga kapitbahay sa Angeles City sa kanyang ginagawang pagwawala kapag lasing.

Hindi ikinakaila ng brother-in-law ni Baron na si Michael Robinstone Rodriguez Morales, mister ng kapatid ng actor na si Grace Geisler na siya nga ang bumugbog sa actor dahil bukod sa hinamon siya ng actor ay hindi na umano nito (Michael) masikmura ang pagiging bastos at kawalan umano ng respeto ng kanyang bayaw.

Ang lalo pang ikinagalit ni Michael kay Baron ay binabaliktad pa umano nito (Baron)ang mga pangyayari para siguro makuha ang simpatiya ng publiko.

Mag-kontra-demanda rin kaya si Baron laban sa brother-in-law niyang si Michael?

Local celebrities hindi na priority ang kasal?!

It was in October 2017 nang i-announce ang engagement ng longtime sweethearts (five years na silang magkarelasyon) na sina Iza Calzado at ang British businessman na si Ben Wintle pero hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kelan mangyayari ang kanilang wedding.

Iza is turning 36 on August 12 at may mga nagsasabi na baka itaon ang kanilang wedding ni Ben sa kaarawan mismo ng aktres.

Wala ka bang napapansin Salve A.? Noon, kapag nasa 20’s na ang babae sa showbiz ay agad itong nag-aasawa pero lately ay hindi na ganun. Nasa 30’s na usual­ly ang babae kapag nag-asawa at nasa mid-30’s o late 30’s naman ang guy although meron pa rin namang ilang exception tulad sa case ni Coleen Garcia na 25 years old pa lamang pero ang kanyang fiance na si Billy Crawford ay 35 na. Anne Curtis was 32 when she married her husband na si Erwan Heussaff last November 11, 2017 in New Zealand.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with