^

PSN Showbiz

Julia seryoso ang kampanya kay Joshua

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Julia seryoso ang kampanya kay Joshua

Ngayon mapapatunayan kung gaano ka-effective na campaign manager si Julia Barretto ng kanyang reel and real loveteam na si Joshua Garcia. Talagang open at todo ito sa paghingi  ng boto sa netizen para sa kanyang kapareha.

Ang makakakuha ng pinaka-maraming boto ang mananalo at bibigyan parangal sa isang awards ceremony na magaganap sa March 24 sa The Forum sa Inglewood, California.

Kalaban din ni Joshua sa kumpetisyon ng Nickelodeon ang mga kapwa niya kabataang artista na sina Inigo Pascual, Gabbi Garcia at Loisa Andalio na sigurado namang may mga sarili nilang taga-kampanya din.

Mariel ayaw nang kumanta

Pangangatawanan na ni Mariel de Leon hindi ang kanyang pagkanta kundi ng kanyang pag-aartista sa pamamagitan ng pagpirma ng management contract kay Leo Domiguez, nangangasiwa ng karera ng marami nating artista gaya nina Lovi Poe, Janine Gutierrez, Sarah Lahbati, at marami pang iba.

Nakatakda na itong magsimula ng isang indie film para sa BG Productions, ang Latay kasama sina Lovi Poe at Allen Dizon.

Matatapos ang kanyang reign bilang Bb. Pilipinas International.

Mark-Claudine reunion  mauuna sa ShaGab

Hindi lamang naman sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang hinihintay na magtambal muli sa isang movie kundi maging sina Mark Fernandez din at Claudine Barretto. Matangi sa pagiging sakitin ngayon ni Claudine, malaki ang posibilidad na mapagsama sila ng Viva sa isang proyekto, bumuti lang ang pakiramdam ng aktres at makapagbawas ng timbang pero, mukhang lumabo na naman ang pagsasama nina Sharon at Gabby dahilan na rin sa naging rebelasyon na ginawa ni Sharon sa isang TV interview tungkol sa nakaraan nila ng kanyang ex. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

JULIA BARRETTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with