^

PSN Showbiz

Aktor na nanlalamang sa komisyon, idi-demanda ng manager!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ilang panahon pa mula ngayon ay maliligalig ang buhay at career ng isang male personality dahil sa haharapin niyang demanda. Matagal na pala siyang pinaaalalahanan ng opisina ng kanyang manager tungkol sa mga kaukulang komisyon nito pero deadma lang ang male personality.

Hindi piso-piso lang ang sangkot na halaga, milyunan ang sinisingil sa kanya, pero hindi ‘yun inaksiyunan ng lalaking personalidad.

Kuwento ng aming source, “Malinaw naman ang kanilang kasunduan na may kontrata pa nga. Sa bawat trabahong makuha ng manager para sa kanya, e, may kukuning commission ang nag-aalaga sa career niya.

“Kaso, hindi tumutupad ang talent, hindi niya ibi­nibigay ang dapat na komisyon para sa manager niya, marami siyang kiyaw-kiyaw, marami siyang dahilan, kaya napuno na ang manager niya!

“Kapag hindi pa rin siya tumupad sa ibinigay na panahon sa kanya, e, walang ibang pupuntahan ang scenario na ito kundi demandahan!” madiing kuwento ng aming impormante.

Naaalala tuloy ng mga miron ang matinding sama ng loob sa male personality ng isang talent manager-host na napakalaki ng naitulong sa kanya mula pa nu’ng pagkabata niya.

Patuloy ng aming source, “Matagal siyang nawala, di ba, hanggang sa magdesisyon siyang magbalik dito at i-try kung kakagatin ng publiko ang ipinagmamalaki niyang talent.

“Maganda ang pagtanggap sa kanya, bagong putahe kasi, kaya mara­ming paraang ginawa ang talent manager-host para siya matulungan. Pero nagpaa­lam ang male singer, magbabakasyon lang daw siya sandali para makasama ang family niya sa ibang bansa. Pumayag naman ang manager-host.

“Pero pagbalik ng male performer, e, ibang manager na ang kinuha niya. Ito ‘yung mismong manager na nakaplanong magdemanda sa kanya ngayon dahil sa hindi niya pagbibigay ng commission!

“Ang nakakatawa pa, e, lumipat siya ng ibang management agency, tinalikuran na niya ang ma­nager na naniningil sa kanya! Ano ba ‘yan? Paano na ang gagawin ng male personality, may magaganap pa namang isang okasyon sa buhay niya na pinaghahandaan na nila nang husto ngayon ng girlfriend niya!

“Nakakalungkot naman ang kuwentong ito. Dapat lang ayusin ng male personality ang problema niya sa dati niyang manager. Wanna buy watch, Joe?” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Sabina galit sa gf  ni Raymart

Masamang-masama pala ang loob ng itinuring nang sariling anak nina Ray­mart Santiago at Claudine Barretto sa pakikipag­ relasyon ng aktor kay Aurora Legarda.

Nagsumbong si Sabina sa social media, hindi man direkta ang mga posts ng dalagita ay mahuhulaan o matitiyak ng mga nakakabasa na sina Raymart at Aurora ang kanyang pinatutungkulan, alam kaya ni Claudine ang ginawa ni Sabina?

Natural lang na makaramdam ng kakaiba si Sabina tungkol sa relasyon ng kinilala niyang ama kay Aurora, naging maayos kasi ang kanilang sama­han nu’ng buo pa ang kanilang pamilya, minahal nina Raymart at Claudine si Sabina na parang tunay nilang dugo at laman.

Kailangan lang siguro ng komunikasyon sa pagitan ng mag-ama. Matalino naman si Sabina, maka­kaya niyang unawain ang kasalukuyang sitwasyon ng kanyang mga magulang, nasa maayos na pagpapaliwanag lang ang lahat.

Maganda ang kuwento kung paano dumating sa buhay nina Raymart at Claudine ang dalagita. May nag-iwan sa kanya sa labas ng bahay ng aktor. Umaambun-ambon pa nu’n, nasa stroller ang bata, kumpleto ang mga kagamitan.

May sulat pa ngang iniwan ang ina ng bata na iniipit nito sa stroller, hanggang ngayon ay hindi pa ibinubunyag nina Raymart at Claudine kung sino ang tunay na mga magulang ni Sabina, pero siguradong panay-panay na ang tanong ng dalagita tungkol sa kanyang ugat.

Si Claudine ang kasama ni Sabina, nagkikita lang sila ni Raymart kapag hinihiram silang magkapatid sa aktres, natural lang ang pinalutang na emosyon ng bagets dahil selos para kay Claudine ang umiiral sa kanya ngayon.

Mahal na mahal ni Sabina ang mga magulang na nagpala sa kanya, kung siya ang tatanungin ay gusto niyang magkabalikan sina Raymart at Claudine para mabuo na uli ang kanilang pamilya, kaya sinumang pumasok sa buhay ng kanyang ama at ina ay hindi maluwag sa kaloobang matatanggap ng dalagita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with