^

PSN Showbiz

Kris at Sharon nagpalitan ng mamahaling regalo!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Kris at Sharon nagpalitan ng mamahaling regalo!

Sharon at Kris

Nagpalitan ng regalo sina Sharon Cuneta at Kris Aquino. Birthday gift ni Sharon kay Kris ang Oscar dela Renta Embroidered Sweatshirt na isinuot ni Kris sa pagpunta sa SM Aura. Sobrang nagpasalamat si Kris sa regalo ni Mega.

In return, kahit hindi birthday ni Sharon, niregaluhan siya ni Kris ng Gucci bag at Gucci Loafers.

Clear sign ito na mas nagiging close ang friendship nila dahil nag-research si Kris kung ano ang isinusuot niya.

Gabby bisexual na rin

Ang actor na si Alberto Ammann, gumaganap na Pacho Herrera sa Narcos ang peg ni Gabby Eigenmann sa role niya sa Contessa na si Vito Imperial. Very bad pareho ang karakter nina Pacho at Vito, pero bisexual. Locally, walang binanggit si Gabby na peg niya dahil marami raw sila.

Siniguro ni Gabby na magagalit, mumurahin, at baka hampasin pa siya ng viewers ‘pag umere na ang Contessa  sa March 19, after ng Eat...Bulaga.  

“First bisexual role ko ito, ibang-iba sa role ko sa Dading,” sabi ni Gabby.

Sabi ng ilang reporter, isinabay sa karakter niya ang pag-a-out ni Mark Bautista na bisexual siya. Pero ayon kay Gabby, hindi pa lumalabas ang libro ni Mark at wala pang nakakabasa, nagti-taping na sila.

Pero hanga raw siya kay Mark, “It takes courage to tell all at hanga ako kay Mark. Kung sa ginawa niya siya magkakaroon ng peace of mind, sino tayo para makialam? It is what it is.”

Sa direction ni Albert Langitan, malaki ang Contessa sa lahat ng aspeto at reunion nila ito ni Glaiza de Castro after Dading.

Si Bernadette Allyson ang gaganap na trophy wife niya at first time nilang magkasama ng pinsang si Geoff Eigenmann.

Mariel ayaw na uling sumali sa beauty pageants

Disable pa rin ang comment box ni Mariel de Leon sa Instagram (IG) at wala siyang balak na i-open ito para makaiwas sa stress ng bashers. Kahit sinasabing kailangan niyang i-open ang IG lalo na at mag-a-active na siya sa showbiz, ayaw pa rin ni Mariel.

Pero sabi nito, she will still express what she feels, extra careful na lang siya para hindi madamay ang family niya.

Tinapos lang ni Mariel ang kontrata sa Bb. Pilipinas at pumirma ng management contract sa LVD Management & Consultancy Services ni Leo Dominguez.

Ang unang project ni Mariel kay Leo ay ang indie movie na Latay kasama sina Lovi Poe at Allen Dizon. Si Ralston Jover ang director ng movie kung saan, gaganap si Mariel na ex-GF ni Allen.

Gusto ring gumawa ng teleserye ni Mariel at ayaw na niyang sumali sa kahit anong beauty pageants. Focus na siya sa showbiz.

Ryza dawit sa bagong away nina Gabby at Sharon

Hindi sinasadyang nadamay si Ryza Cenon sa bagong isyu ngayon kina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta dahil ang ipinost ng una sa socmed na quotation tungkol sa rejection, insult, doubt ay ni-like ni Gabby at ini-repost sa Instagram (IG) niya.

Nag-comment pa si Gabby ng “Lalampasan mo iyan. Galing mo sa show natin. Galing cheers! 2 thumbs up ako sa iyo.”   

May mga nag-react na parang sagot ni Gabby ang quotation sa interview ni Sharon sa Rated K. Naging isyu ‘yun sa fans nina Gabby at Sharon, kaya tinanggal na lang ng aktor. Gusto na lang siguro nitong maging positive lalo’t magtatapos na ang Ika-6 Na Utos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with