^

PSN Showbiz

KC lulundag na rin sa Kapuso!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
KC lulundag na rin sa Kapuso!

KC

Angelica nagkaroon na raw ng respeto sa sarili

PIK: Tawang-tawa si Glaiza de Castro kapag napapag-usapan ang bestfriend niyang si Angelica Pa­nganiban.

Masaya raw siya para sa bestfriend na nakita raw niyang nakapag-move on na ito pagkatapos ng mga sakit na pinagdaanan sa lovelife.

“Siya kasi ang epitome ng pain,” pakli ni Glaiza.

“Pero sa ngayon masaya siya. Masaya ako sa kanya, kasi ‘yung tinalon niya mula dun sa pain, dito na siya ngayon sa self-res­pect. Yung minahal niya yung sarili, kasi yun yung parang na-overlook niya.

“Pero naabot na niya ang rurok ng kasiyahan,” dagdag na pahayag ni Glaiza.

Kaya kung gusto na raw ma-in love uli ni Angelica, ti­ngin daw niya handang-handa na ito.

Ganun din si Glaiza na handa na rin daw ma-in love uli, pero hindi naman daw siya nagmamadali sa ngayon. Wala pa naman daw nagpaparamdam sa kanya sa ngayon, kaya focus  muna siya sa promo ng bagong drama series niyang Contessa na magsisimula na sa March 19 pagkatapos ng Eat Bulaga.

Medyo nakaka-challenge at nakaka-pressure lang sa kanila dahil ang Ika-6 Na Utos ang papalitan nila.

“Dina-divert ko yung pressure sa positive. Kasi kung gaano nila ginali­ngan, ganun din namin gagalingan. Siguro yun yung factor kung bakit sila successful, ginalingan nila eh. Kaya iyun din ang ginagawa namin,” pahayag pa ni Glaiza.

PAK: Wala naman sagot ang ilang executives ng GMA 7 tungkol sa isyung paglipat ni John Estrada sa GMA.

Pinatay na nga siya sa The Good Son, kaya ang napapag-usapan sa ngayon ay kung gagawa pa ba siya sa Kapamilya network. Kukunin pa kaya siya?

Itinatanggi naman ng ilang taga-GMA 7 na napagtanungan namin, pero may nagsasabing meron na raw pag-uusap sa gitna ng aktor at ng Kapuso executives.

Ang isa pang napapag-usapang magiging Kapuso na rin daw ay si KC Concepcion.

Wala pa naman daw ganung pag-uusap, pero ang narinig namin ay baka magi-guest daw si KC sa isang prog­rama. Hindi dinetalye kung anong programa ito, at kung kailan. Abangan na lang natin.

BOOM: Kamakalawa naman ay napanood na si Edu Manzano sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi lang ang actor/TV host ang dagdag sa teleseryeng ito ni Coco Martin, kundi pati sina Dawn Zulueta, Alice Dixson at Rowell Santiago.

Nabanggit noon ni Alice na meron na raw siyang gagawing drama series sa ABS-CBN, pero ewan ko lang bakit nasa Probinsyano muna siya.

Mas lalong pinatindi ng Ang Probinsyano ang bawat episode lalo na’t bahagi na ngayon ang mga bigating artistang nabanggit.

Wala pa kaming naririnig na idadagdag na malaking artista sa katapat na Sherlock Jr., at kahit sa Kambal Karibal.

Simple lang ang pasabog ng Kambal Karibal, ang sexy scene ni Bianca Umali na naka-one piece.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with