^

PSN Showbiz

Alden inisnab-isnab ang birthday ni Maine?!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Alden inisnab-isnab ang birthday ni Maine?!

Maine

Kung si Aga Muhlach ay matagal nang may sariling franchise ng popular food chain na Jollibee matapos siyang maging celebrity endorser nito, ganoon din ang nangyari sa 23-year-old pheno­menal star na si Maine Mendoza sa McDo­nald’s kung saan siya naging endorser kasama ang kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Samantala, last March 3 (Saturday) ay birthday ni Maine at 23 na siya ngayon. Nagtatanong ang kanilang fans ni Alden Richards kung ano ang regalo ng binata sa kanya.

Ang tanong nga, binati raw kaya ni Alden ng ‘happy birthday’ si Maine?

Mukhang tuloy nga ang dedmahan ng dalawa.

Sanya hindi nagmamadaling magka-syota!

May nagsabi na ma­ta­gal na umanong kasin­tahan ni Rocco Nacino si Melissa Gohing pero low profile lamang ang dalawa. It was mid-2016 nang magkahiwalay sina Lovi Poe at Rocco  pero last year lamang nagkaroon ng closure ang kanilang relasyon. Pero bago man nagkaroon ng closure ay lumitaw na ang bagong boyfriend ng Kapuso star, ang Fil-French na si Chris Johnson.

Between Lovi at Rocco, ang huli ang nahirapang makapag-move on sa kanilang break-up. Pero pareho nang masaya ngayon sina Lovi at Rocco sa kanilang respective new loves.

Sa part naman ni Sanya, hindi siya nagma­mada­ling magkaroon ng boyfriend.

Naniniwala siya na kusa itong darating at hindi niya kailangang hanapin,

Gabbi pang-international ang beauty

Malaki ang potential ng 19-year-old Kapuso singer-actress na si Gabbi Garcia na maging major star balang araw dahil na rin sa kanyang ta­lent and good looks.  

Marami ang nag-i-encourage kay Gabbi na sumali sa isang national beauty competition pero hindi pa decided ang ka-loveteam ni Ruru Madrid.

Bukod sa singing at acting, si Gabbi ay isa na ring in-demand celebrity endorser ng international brands ng shampoo at make-up.

John naging tulay kina Angelica at Sam

Kung si John Prats lamang ang masusunod, gusto niyang maging masaya at makatagpo ng bagong mamahalin ang dalawa niyang close friends na sina Angelica Panganiban at Sam Milby na pareho niyang business partners sa Bright Bulb Productions na kanilang itinatag.

Close na magkaibigan sina John at Angelica ganundin sina John at Sam. Si John ang lumapit kay Sam kung gusto nitong sumama sa business na ipu-put-up nila ni Angelica at agad namang pumayag ang binata.

Sa pamamagitan ni John ay naging close ding magkaibigan sina Angelica at Sam.

May times na tinutukso ni John sina Sam at Ange­lica at magiging masaya umano siya kung magkaka-debelopan ang dalawa na close na ring magkaibigan ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with