^

PSN Showbiz

KC bagay na anak ni Goma!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
KC bagay na anak ni Goma!

Ang gandang basahin ng comments sa photo ni KC Concepcion kasama sina Ormoc City Mayor Richard Gomez, Cong. Lucy Torres-Gomez at anak nilang si Juliana. Parang isang pamilya ang apat kung saan nakaakbay si KC kina Juliana at Richard.

Simpleng “Happy vibes, happy life” ang caption ni KC sa picture na kuha sa Amanpulo sa Palawan.

Marami ang nag-throwback at nagsabing muntik maging stepfather ni KC si Goma at komento pa ng iba na para na talagang member ng Gomez family si KC.

Mark winarningan na sa pagpapa-sexy si Winwyn

May special participation si Mark Herras sa Afternoon Prime ng GMA 7 na Contessa bilang si Marco Caballero na mapapangasawa ni Bea Resurrecion (Glaiza de Castro). Kaya lang, sa pilot episode lang yata mapapanood si Mark dahil sa napanood naming teaser ay mababaril siya at mamamatay.

May mga nanghinayang nga dahil unang pagsasama ito nina Glaiza at Mark. Obvious na hindi puwedeng patagalin si Mark doon dahil nasa cast siya ng The Cure  at nagti-taping na rin sila. Papalit kasi ito ‘pag natapos ang Kambal, Karibal.

Speaking of Mark, naaliw kami sa message nito para sa GF niyang si Teresita “Winwyn” Marquez. “My panggaaa congrats on your new endorsement ga!!! Wag masyado sexy sobra na eh. I love you ga!” sa photo na print ad ng Bench na naka-two-piece swimsuit ang aktres.

Inah natakot sa AlDub fans

Nilinaw at pinabulaanan ni Inah de Belen ang nasulat at kumalat na balitang siya ang leading lady ni Alden Richards sa Mitho. “JUST WANT TO CLEAR THINGS UP. THE RUMORS CIRCULATING ARE NOT TRUE. IF IT WAS, I WOULD BE THE FIRST TO KNOW, WHICH I DIDN’T. CAN WE ALL MOVE ON NOW?”

Sinundan pa ni Inah ang unang tweet ng “I think people just assume too much in general without looking or waiting for the hard facts haha.”

Nagpasalamat at nag-sorry ang ilang fans ng AlDub nina Alden at Maine Mendoza at solid fans ni Alden sa paglilinaw ni Inah.

Ang naalala namin, sa Internet unang kumalat ang balitang si Inah ang leading lady ni Alden. That time, hindi pa nga yata umabot sa casting ang meeting ng mga taong involved sa Mitho.

Rocco itinatago ang GF na spiker!

Nagtatanong ang  fans ni Rocco Nacino, bakit daw wala silang photo ng GF niyang si Melissa Gohing sa social media account niya? Sa socmed account ng friends nila nakikita ang kanilang mga litrato. Gaya nitong huli, nakita silang magkasama sa kasal ng friend ni Melissa.

Sabi naman ng fans ni Rocco, tanggap nilang love team lang sila ni Sanya Lopez, kaya walang dapat ikatakot ang aktor na baka i-bash ang GF ng fans nila ni Sanya. Pero baka naman request ni Melissa na ‘wag munang ipaalam sa fans ang relasyon nila ni Rocco at sa pamilya at mga kaibigan muna nila.

Pati sa interview, matipid ang mga sagot ni Rocco ‘pag love life na niya ang pinag-uusapan. Ayaw niyang magkuwento, interesado pa naman ang press na malaman kung paano nagsimula ang love affair nila ni Melissa na isang volleyball player at member ng DLSU Lady Spiker.

Kapag nakapanood kami ng Oh, Boy! & Oh, Lol! show nina Rocco, Jak Roberto, Dave Bornea, at Derrick Monasterio sa Music Museum sa May 18, tatalasan namin ang aming mga mata. Titingnan namin kung manonood si Melissa. Kasama nila sina Donita Nose at Super Tekla sa nasabing show.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with