^

PSN Showbiz

John Lloyd pinutol na ang komunikasyon sa pamilya! ; Mariel hindi makalimutan ang alaga ni Coco

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
John Lloyd pinutol na  ang komunikasyon sa pamilya! ; Mariel hindi makalimutan  ang alaga ni Coco

PIK: Official ng talent ng LVD Management and Consultancy Services ni Leo Dominguez ang Bb. Pilipinas 2017 International na si Mariel de Leon.

Ginanap ang contract-signing kahapon sa Blue Rocket and Kitchen sa Quezon City kung saan sinamahan ito ng kanyang inang si Sandy Andolong.

Sabi ni Mariel, pagkatapos ng reign niya sa Binibining Pilipinas, magpo-focus na raw siya sa pag-arte.

Nasabi nga raw niya noon na hindi siya mag-aartista pero nabago ang pananaw niya dahil sa magandang experience sa Ang Panday.

Ang babait daw ng co-actors at production staff sa kanya, lalo na si Coco Martin na sobrang maalaga raw.

“Nabago eh, kasi everyone sa set, they’re very nice to me. They were patient dahil baguhan ako. They were teaching me sometimes on how to say the lines, on how to act or react.

“I was lucky then…he (Coco) made sure na we we’re always taken cared of sa set,” pahayag ni Mariel.

Natutuwa rin ang 24-year-old beauty queen/actress sa magandang line-up ngayon ng Binibi­ning Pilipinas.

Aware siyang malakas ang popular candidates, pero doon daw siya sa mas tahimik.

“I like a good underdog eh. Ayoko ‘yung popular… I like the darkhorse I think they say. I like Sandra Lemonon (35) and ‘yung 21 (Anjame Magbitang),sagot sa amin ni Mariel.

Magiging bahagi si Mariel sa movie project ng BG Productions na Latay kasama sina Lovi Poe at Allen Dizon.

PAK: Ini-enjoy ngayon ng grupong Playgirls ang isyung pinag-uusapan ng netizens na audition nila sa Pilipinas Got Ta­lent.

Hindi rin nila tinatantanan sa pamba-bash si Angel Locsin na kaagad nag-buzzer ng Stop nang mag-perform sila ng seksing pagka-carwash. Sabi nga ni Vice Ganda, hindi naman talent ang pagka-carwash. Pero nagkaroon ng kaunting pagtatalo sina Robin Padilla at Angel na sinakyan naman ng grupong Playgirls.

Ang sabi ng iba, ‘yung ilang galit kay Angel na namba-bash sa kanya ay nakisakay na rin sa isyung ito.

Pero sa totoo lang, ang dapat sisihin dito ay ang staff ng PGT na siyang namimili kung alin ang makakapasok sa final audition. Nakakapagtakang sa elimination pa lang ay ipinasok na nila gayung wala nga namang talent na ipinakita. Nalagay tuloy sa awkward situation ang mga judge at na-bash pa nang bonggang-bongga si Angel.

BOOM: Sa contract-signing ni Mariel de Leon sa LVD, natanong namin si Sandy kung may communication ba sa kanila si John Lloyd Cruz, at kung naimbitahan pa sila sa kasal, kung meron ngang plano. “Wala. Hindi naman sumasagot sa text ‘yun eh,” parang nagtatampong sagot sa amin ni Sandy.       

Nami-miss na nga raw siya ng aktres, pero tila completely ay isinara na ng Kapamilya actor ang komunikasyon niya sa mga kasamahan sa Home Sweetie Home.

Totoo kayang kahit sa pamilya raw niya ay hindi pa nakikipag-communicate si John Lloyd?

Hindi na masagot sa amin ni Sandy kung ano na ang plano sa sitcom nila gayung malabo nang bumalik si John Lloyd.

Basta nagti-taping lang daw sila at wala pa raw pasabi kung ano ang plano sa kanilang programa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with