^

PSN Showbiz

Aga at Alice wala nang urungan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Aga at Alice wala nang urungan!

Sa kabila ng malaking tagumpay ng Seven Sundays na nagsilbing comeback vehicle ni Aga Muhlach, balik ito sa paggawa ng isang love story na siyang kinagigiliwan sa kanya ng mga manonood. Nakatakda siyang pumunta ng Greenland para sa shoot ng movie na gagawin niya kasama si Alice Dixson sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal na kahit matagal nang nagsabi na titigil na sa pagdidirek ay patuloy pa ring hindi makatanggi sa mga project na kailangan ang expertise niya bilang direktor.

Napanood ko ang pagpapalabas ng ABS-CBN ng restored version ng All My Life, movie ni Aga kasama si Kristine Hermosa at kinunan ang maraming eksena on board Star Cruise.

Marami ang nakatatanda sa mga movie ni Aga katambal ang mas sikat na artistang babae, pero ang All My Life pala ay isa sa romantic movie na ginawa niya at mayroon ding sikat na theme song, ang How Did You Know.

Buti’t nai-restore ito, kaysa naman masira lang. Sa muling pagpapalabas ng pelikula, nakita ang journey ni Aga bilang aktor at maski na ng magandang maybahay ni Oyo Sotto na magaling din palang artista bukod sa pagiging maganda nito.

Angel nagpi-feeling ‘malinis’

Umani ng hindi magandang reaksyon ang tila pangmamaliit ni Angel Locsin sa isang grupo ng mga babaeng contestant na nagsayaw ng naka bra’t panty lamang bilang audition piece sa Pilipinas Got Talent noong nakaraang weekend.

Sa pakiramdam niya ay nabastos siya, hindi marahil naramdaman ng aktres na nakabastos din siya in return. Sa paghahanap niya ng talento ng mga sumali ay hindi niya nakita na ang pagsasayaw ng mga babae ang kanilang talento.

Kung hindi siya pabor, madali lamang siyang mag “X”, pero bakit hindi niya ginawa? Mas acceptable ito kaysa naman sa ginawa niyang panglalait at pangmamaliit sa grupo.

Ian may ipagmamalaki na bukod sa mukha

Nagbunga rin ang effort ni Ian Veneracion to be accepted beyond his good looks at magawang mas mapansin ang kanyang pag-arte sa Ilawod, isa sa mga pelikulang Pinoy na nakapasok bilang entry sa 38th Oporto Film Festival sa Portugal.

Kasama niya sa movie si Iza Calzado na sa kasamaang palad ay nabigong maiuwi ang Best Actress award. Nanalong Special Jury Prize ang Bhoy Intsik ni Raymond RS Francisco.

In the past, marami na ring ginawang movie si Ian, pero kung may una nang napapansin ang ma­no­nood, ito ay ang kagandahan niyang lalaki. Makipagbuno man siya, makipagsuntukan o maki­pag­barilan sa kanyang mga kalaban, ang cocern ng mga manonood ay huwag mapungasan ang kanyag kagwapuhan.

Sa Ilawod, nagawa ng direktor ng movie na si Dan Villegas na mas mapansin ang acting ng bida.

This is Ian’s first major award and his suppor­ters hope na magbibigay ito ng bagong pananaw sa kanyang kakayahang humawak ng iba’t ibang roles bukod pa sa nagugustuhan sa kanyang pagiging romantic leading man.

Marco naka-recover na  sa ginawa ni Kisses

Marami ang natutuwa na magpapatuloy ang karera ni Marco Gallo sa pag-aartista matapos mabuwag ang loveteam nila ni Kisses Delavin na hindi marahil siya mami-miss dahil tinatambakan ng kanyang network ng mga lalaki ang kanyang dating kapareha.

Kasama ang iniwang kapareha ni Kisses sa isang serye na tatampukan din nina Donny Pangilinan, Jeremy Glinoga ng The Voice Teens, Andrei Yllana, at Kira Balinger. Masaya na si Marco kahit sinabi ni Kisses na ayaw na niya siyang makasama at makaparehang muli dahil nagbunga rin ang matiyaga niyang paghihintay para mabigyan ng proyekto, kahit wala siyang kapareha.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with