^

PSN Showbiz

Aktres matagal nagtiis sa asawang takot sa tao!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Sobrang napakalungkot naman pala ng istor­ya ng buhay ng isang magandang aktres. Maganda siya, parang palaging nakangiti ang kanyang mga mata, nagkakaedad na siya pero napakaraming kabataan pa ring patataubin ang kanyang ganda.

Magaling siyang magdala ng personal niyang problema, hindi niya ‘yun ipinahahalata sa kanyang mga katrabahong artista, lalong hindi niya ‘yun binibitbit sa kanyang pag-arte.

Kuwento ng nalulungkot naming source, “Grabe pala ang lungkot na pinagdaanan niya, wala kasi tayong kaalam-alam dahil bigla na lang siyang nawala, huli na nu’ng malaman nating nag-asawa na pala siya at nasa ibang bansa na.

“Nakakalungkot dahil hindi naging maayos ang married life niya, magkaiba ang paniniwala nila ng husband niya, super-introvert pa ang napili niyang pakasalan na kabaligtaran ng ugali niya.

“Minsan lang pala nakasama ng family niya ang lalaki. Hindi na ‘yun nasundan dahil ayaw sumama sa kanya ng husband niya kapag dumadalaw siya sa family niya.

“Pinag-aawayan nilang madalas ‘yun, naiinis ang girl dahil nauubusan na siya ng dahilan kapag nagtatanong ang mga kapatid niya kung bakit mag-isa lang siyang dumarating sa reunion nila.

“Kahit sa mga party na sila-sila lang naman ang magkakasama, e, hindi rin sumasama ang husband niya, ang alam nga ng mga pamangkin niya, e, single pa siya dahil nag-iisa lang siya palagi,” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Ilang taon ding nagtiis sa ganu’ng klase ng buhay ang magandang aktres, hanggang sa isang araw ay pumutok na siya, kinausap niya nang masinsinan ang kanyang mister para sa plano niyang pagpapawalang-bisa sa kanilang kasal.

“’Yun ang dahilan kung bakit nandito na siya uli, kung bakit nagdesisyon siyang balikan ang career na mahal na mahal niya, pero kinailangan niyang isantabi dahil sa pagbubuo ng pamilya.

“Ayaw na niyang napag-uusapan ‘yung nakaraan nila ng ex niya, sob­rang sakit ang napi-feel niya, hindi kasi niya inasahan na ‘yung lalaki palang mas binigyan niya ng priority, e, ganu’ng klase lang ng buhay ang ibibigay sa kanya.

“Alam na niya ngayon na hindi simple ang bumuo ng family, alam na alam niya na ngayon na ang pag-aasawa, e, hindi basta-basta lang na parang nasa wonderland lang siya.

“Nakangiti ang mga mata niya, pero lumuluha naman pala ang puso niya. Haaay, I can feel it!” pagtatapos ng aming source na hinayang na hinayang sa nakaraang buhay ng magandang aktres.

Sharon aminadong hindi pa rin limot si Gabby

Aminado ang Megastar na unang pag-ibig niya si Gabby Concepcion. At ang first love, ayon nga sa kapaniwalaan, ay hindi kailanman namamatay at naibabaon sa limot.

Hanggang ngayon, kahit marami pang ibang nakarelasyon si Sharon Cuneta, ay nananatiling unang pag-ibig niya ang ama ni KC. Nauwi sa altar ang kanilang pagmamahalan pero pagkatapos lang nang ilang taon ay nawalan din ‘yun ng saysay dahil sa kanilang paghihiwalay.

Nu’ng unang pumutok ang balita na nagdadalantao na si Sharon ay tinanggal ng namayapa niyang ama ang kanyang mga bodyguards, walang itinira sa mga ito, ang naiwan lang kay Sharon ay ang personal niyang alalay na si Yaya Luring.

Katwiran ni Mayor Pablo Cuneta ay nasaan ang mga bodyguards ni Sharon, bakit nangyari ang hindi inaasahan, ibang klase talagang umatake ang puso.

Maraming taon silang hindi nag-usap pagkatapos ng kanilang pag­hihiwalay, pinalaki nang mag-isa ni Sharon si KC habang nasa ibang bansa naman si Gabby at may nabuo nang bagong pamilya, si KC lang ang pinayagan ng Megastar na makipagkita sa aktor.

Ang unang pormal nilang pagsasama ay nang gawin nila ang TVC ng isang food chain. Pinakilig nila ang buong bayan, biglang nabuhay ang pag-asa ng kanilang mga tagahanga na matutuloy na ang naunsiyami nilang pagbabalik-tambalan sa pelikula, pero mukhang may problema na naman.

Alanganin na naman diumano si Gabby, kung bakit ay walang nakakaalam, pero siguradong wala kay Sharon ang problema dahil naghihintay lang naman siya sa patawag ng Star Cinema sa kanila ni Gabby.

Pero hindi mababawasan ang kasikatan ni Sharon hindi man sila gumawa uli ng proyekto ni Gabby. Sharon Cuneta na siya, wala nang kailangan pang patunayan, poste na siya ng industriya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with