^

PSN Showbiz

Zsa Zsa abang-abang pa rin ng apo kay Karylle

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
 Zsa Zsa abang-abang pa rin ng apo kay Karylle

Karylle at Zsa Zsa

In the next couple of months ay magkakasunod na magsisilang ng kanilang respective babies sina Isabelle Daza, Sarah Lahbati, at Jolina Magdangal kasunod ang misis ni Drew Arellano na si Iya Villania. Ang ipinagbubuntis ni Isabelle ay first baby nila ng kanyang French husband-businessman na si Adrien Semblat.  Magiging second baby (ano­ther boy) naman ni Sarah sa kanyang fiance na si Richard Gutierrez ang kanyang sisilang. Pangalawa rin ng mag-asawang Mark Escueta at Jolina ang dala-dala ngayon ng singer-actress-TV host gayundin si Iya sa mister nitong si Drew.

Hinihintay naman ni Zsa Zsa Padilla ang pagkakaroon ng apo sa kanyang panganay na si Karylle at mister nitong si Yael Yuzon ng Spongecola.

Pagkamatay ni John ayaw pag-usapan

Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nagtataka at nanghihina­yang sa maagang pagkawala ng character ni John Estrada sa top-rating primetime TV series na The Good Son considering na napakaganda at mysterious ang kanyang role bilang Anthony sa nasabing serye.

May kinalaman kaya ito sa kanyang gagawing bagong serye sa Kapuso Network o sa intriga sa kanila ng kanyang co-star sa serye na si Mylene Dizon?

Noong nakaraang Friday episode ay natagpuan ang bangkay ni Anthony (John) sa tabing-dagat. Sa madaling salita, pinatay na ang character ni John sa serye.

Hanggang ngayon ay tahimik lamang ang magkabilang kampo between Mylene at John at hindi rin nagbibigay ng pahayag ang mga taong nasa likod ng serye.

Aicelle paghihintayin na naman si Mark

As early as last year ay napag-uusapan na ng magkasintahang singer-actress na si Aicelle Santos at ng GMA news reporter na si Mark Zambrano ang pagpapakasal pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang pinal na usapan kung kelan ito mang­yayari.

Aicelle turned 33 last February 24 at magpu-forty one naman this year si Mark. They are both of age to settle down and have a family of their own.

At tiyak na mapo-postpone na naman ang planong pagpapakasal ng dalawa dahil nakatakdang umalis patungong Manchester, United Kingdom sa ika-3rd week ng buwang ito para sa training at tour ng Miss Saigon kung saan siya gaganap sa role ni Gigi van Tranh.

Sobrang excited si Aicelle to play the part of Gigi van Tranh, the same role na nagdala kay Rachelle Ann Go sa Broadway noong nakaraang taon.

Salve A., love will always find a way kaya tiyak na gagawa ng paraan si Mark na makapag-propose kay Aicelle either before she leaves for U.K. o habang ito’y nasa England. Definitely, hindi haharangan ni Mark ang napakagandang opportunity na dumating kay Aicelle. Pero nakahanda ba siyang maghintay for another one year? 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with