^

PSN Showbiz

Alden hindi pa sigurado sa mag-amang John at Inah

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Alden hindi pa sigurado  sa mag-amang John at Inah

PIK: Magmula nang magkakasunod-sunod ang ta­ping ni Tita Odette Khan sa Ika-6 na Utos, tumigil na pala siya sa pagbu-ballroom dancing.

Aminado ang beteranang aktres na sa edad niya ay dapat hindi na talaga siya nagpapakapagod, at kailangang nakapagpahinga siya a day before ng taping niya.

“Hindi na ako umaalis ng bahay ‘pag bukas ang trabaho, unless I have to buy food o ano, tapos balik ako agad.

“Kasi ‘pag pagod ka na papasok sa work, paano ka makakamemorya?” pakli ng Star Best Supporting Actress.

Ngayon ay bahagi siya ng Ang Forever Ko’y Ikaw, at type na type niya ang role rito dahil balik kontrabida na siya pagkatapos niyang magbait-baitan sa Ika-6 na Utos.

Okay lang daw na hindi na siya nakakapag-ballroom dancing dahil sunud-sunod naman ang trabaho niya.

PAK: Pagkatapos ng 18th birthday ni Bianca Umali nung March 2, puwede na kaya siyang magpa-sexy?

Pumayag kasi si Bianca na magpakuha ng naka-one piece sa drama series nilang Kambal, Karibal. Malapit na raw mapanood ang episode na ito kung saan makikita ang kaseksihan ng Kapuso young actress.

Hindi naman daw talaga sadyang magpa-sexy ng young actress. Kailangan lang talaga sa eksena kaya pumayag siyang magsuot ng one-piece.

Tiyak na lalong dadami ang magka-crush sa bagets ‘pag napanood na ang eksenang ito.

Sa March 17 ay magkakaroon ng grand party si Bianca para sa kanyang debut na gaganapin sa EDSA Shangri-La.

BOOM: Wala pang final na sinasabi ang mga taga-GMA 7 kung sino na ang mapipiling leading lady ni Alden Richards sa seryeng gagawin.

Ang unang napabalita, isang fantasy drama raw ito kung saan meron na raw napipisil na leading lady.

Ang pangalan ni Inah de Belen ang unang lumabas, pero itinanggi ito ng mga taga-GMA 7. Kawawa naman daw si Inah at baka ma-bash ng AlDub fanatics. Wala pa raw talagang napipiling maging leading lady, pero naghahanap na nga sila.

Ang isa pang narinig naming kuwento ay magiging bahagi raw sa project na ito si John Estrada na nagkaroon ng isyu kamakailan lang sa The Good Son.

Itinanggi rin ito ng taga-GMA 7 na napagtanu­ngan namin. Pero malay natin, baka nga magiging Kapuso na si John, kung hindi naayos ang isyu niya sa ABS-CBN 2.                       

Abangan na lang natin!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with