^

PSN Showbiz

Aicelle pasok sa Miss Saigon! ; Amnesia ni Paolo inaasahang lalaban sa weekend

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Aicelle pasok sa Miss Saigon!  ; Amnesia ni Paolo inaasahang lalaban sa weekend

Aicelle at Paolo

PIK: Nakalulungkot naman na ‘di ganun kalakas ang pelikulang Amnesia Love ni Paolo Ballesteros na nagbukas na noong nakaraang Miyerkules. Mahigit isang milyon lang daw ang kinita nito sa first day ng showing, pero inaasa­hang makakabawi ito sa weekend.

Maganda ang resulta ng ilang local films na nag-showing noong nakaraang linggo. Kaya mas maganda sana kung magtutuluy-tuloy ito kahit may mga malalakas na foreign films na kasabay.

PAK: Ni sa hinagap ay hindi naisip ni Neil Ryan Sese na maging bida siya sa isang romantic drama series kung saan may kilig-kiligan pa sila ni Camille Prats.

Ito ‘yung bagong feel good drama series ng GMA 7 na Ang Forever Ko’y Ikaw na magsisi­mula na sa March 12 bago mag-Eat Bulaga.

“Mahirap kasi for the longest time, puro character roles na ginagawa ko. So, parang plakado ko na ‘yun eh. Alam ko na ang dapat kong gawin. Pero eto bago lahat para sa akin,” napapangiting pahayag ni Neil sa presscon ng Forever Ko’y Ikaw.

Dagdag pressure pa sa kanya na tila itinatapat pa siya kina Richard Yap at Robin Padilla.

“Nu’ng una napi-pressure pa ako. Ngayon ko lang na-embrace ‘yung project. Before hindi ko alam kung kaya ko ba ‘to? Sigurado ba kayo?” pahayag ng magaling na aktor.

Mabuti at suportado raw ito ng pamilya niya, at ang asawa nga raw niya mismo ang kinikilig sa kanila ni Camille. Kaibigan naman daw kasi nila ang actress/TV host kaya madali lang at kaagad na­ging kumportable sila pagkatapos mag-workshop at mag-taping.

BOOM: Mula sa Instagram account na Kapuso Girl ng GMA 7, kinumpirma nilang si Aicelle Santos na nga ang gaganap na Gigi Van Tranh sa Miss Saigon sa London.

Sabi nito, “Fresh from the success of Himala: isang Musikal, Kapuso singer and actress Aicelle Santos will play the role of Gigi Van Tranh in Miss Saigon’s UK Tour! Congratulations, @aicellesantos! We’re proud of you!”

Ang kasintahan niyang si Mark Zambrano ay ipinost din ang naturang announcement kung saan binati niya si Aicelle.

Sa March 22 ay nakatakdang tumulak pa-London ang Kapuso singer/actress para magsimula na siya sa Miss Saigon UK Tour edition.

May dalawang Pinoy pa raw siyang makakasama roon kung saan bahagi pa rin si Gerald Santos.

Katatapos lang ni Aicelle ng Himala, at gagawin pa niya dapat ang Rak of Aegis.

Makukumbinse na kaya si Jona na puma­lit kay Aicelle sa Rak of Aegis? Matagal na kasi siyang kinukumbinsing subukan ang musical play, pero hindi pa niya ito tinatanguan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with