^

PSN Showbiz

Sasama kay Coco, Edu balik-Kapamilya!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Sasama kay Coco, Edu balik-Kapamilya!

Edu

PIK: Nagkagulo pala sa set ng The One That Got Away nang aksidenteng makuryente ang StarStruck Male Survivor na si Migo Ade­cer.

Ang unang kuwentong nakarating sa amin, muntik-muntikan na raw talaga si Migo dahil nang tanggalin niya ang ilaw sa tent na kinalalagyan nila ay biglang nangisay ito, bumula ang bibig at hinimatay. Mabuti at naagapan daw ang young actor kaya safe siyang nakauwi.

Nakausap namin ang handler niya sa GMA Ar­tist Center, at sinabing totoong nakuryente si Migo pero hindi raw umabot sa pagbubula ng bibig.

Medyo may kalakasan daw ang pagkakuryente dahil nanghina si Migo pero kaagad daw natanggal ang connection at naalis din siya sa kinalalagyan niya at saka isinugod sa hospital.

Pagkatapos daw ma-check at ma-clear ang lahat ay na-release na siya at pinauwi at hindi na pinabalik sa taping.

Okay na raw si Migo at safe na safe na raw ang bagets.

PAK: Napag-uusapan ng mga bading ang halos magkaparehong post nina Edgar Allan Guzman at Shaira Mae dela Cruz na parehong nasa Amerika.

Medyo namalisyahan lang sila dahil noong nakatsikahan namin si EA sa presscon ng Deadma Walking, sinabi niyang break na sila ni Shaira Mae at single na siya ngayon. Mas naka-focus daw siya sa pamilya at sa kanyang career.

Ang paalam daw niya sa mana­ger na si Noel Ferrer, ay siya lang mag-isa ang bibiyahe pa-Amerika dahil gusto niyang manood ng NBA All Stars. Kaya nag-adjust daw ng schedule ng shooting sa Cine Filipino movie niyang Mata Tapang.

Pero may mga post si EA noong February 19 na nasa Times Square sa New York, at meron ding post si Shaira Mae na kuha rin sa ganung lugar at parehong araw.     

Nagkatagpo lang kaya sila roon o talagang magkasamang nagbiyahe?

BOOM: Ang saya raw ng taping ng Celebrity Bluff nung isang gabi kung saan guest bluffers sina Marian Rivera at Alden Richards.

Two weeks na palang wala sa naturang co­medy game show si Edu Manzano dahil balik ABS-CBN na naman siya.

Papasok na yata siya sa Ang Probinsyano at meron daw isang drama series na inaalok sa kanya.

Sayang ang paglipat ni Edu sa GMA 7 dahil wala namang natuloy na programang naibigay sa kanya.

Ang unang balita noon ay magkakaroon din siya ng sariling game show, pero waley naman! Hindi naman masasabing kanya ang Celebrity Bluff dahil kay Eugene Domingo ito.

Maayos naman daw na nagpaalam si Edu sa Celebrity Bluff na papasok na sa Season 16. At heto nga, sina Marian at Alden ang pambulaga ng bagong season.

Pa-guest-guest bluffer daw muna sila at nagha­hanap pa ng regular bluffer na kasingbigat ni Edu si­yem­pre.

Bakit kasi hindi na pabalikin si Jose Manalo? Type pa kaya nina Jose at Uge na magsama sila uli sa isang show?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with