^

PSN Showbiz

Iya at Nikki pareho ng paniniwala sa sex

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Iya at Nikki pareho ng paniniwala sa sex

Iya

Come August 30 ay magda-dala­wang taon na ang first born ng mag-asawang Drew Arellano at Iya Villania na si Antonio Primo. By then ay malamang naisilang na ng singer-actress-TV host na si Iya ang kanilang second baby na isa ring baby boy.

Samantala, alam n’yo ba na virgin na humarap si Iya sa altar nang siya’y pakasalan ni Drew na naging kasintahan niya sa loob ng 10 taon? Naniniwala kasi si Iya na ang virginity ng isang babae ang pinakamagandang regalo niya sa kanyang husband.

Bukod kay Iya, ganito rin ang paniniwala ng singer-actress na si Nikki Gil na limang taong  naging girlfriend ni Billy Crawford bago pinakasalan ang husband niya ngayon na si BJ Albert.  Pareho nang panuntunan sina Iya at Nikki na hindi sila naniniwala sa `sex before marriage’.

Karen ayaw ibuko ang tatay ng anak

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-reveal ng single mom-actress at celebrity endorser ng 33-year-old na si Karen delos Santos ang identity ng ama ng kanyang couple of months old  baby na si Gabriel Lucasna na mag-isa niyang iginagapang magmula nang ito’y kanyang ipagbuntis at isilang.

Karen is known sa kanyang mga contravida roles sa bakuran ng GMA pero siya’y na-discover sa isang hit TVC ng McDonald’s.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with