^

PSN Showbiz

Sam at Yassi nalamutak ng mga estudyante

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sam at Yassi nalamutak  ng mga estudyante

Mga estudyante at teenager ang fans nina Sam Milby at Yassi Pressman kaya mga school ang pinupuntahan nila para sa free hugs na kanilang ipinamimigay sa lahat, hindi lamang sa mga third wheel ng mga relasyon.

Mainit na mainit ang pagtanggap kina Sam at Yassi ng mga estudyante ng isang university sa Maynila na kanilang binisita. Hindi makapaniwala ang mga estudyante na makikita at mayayakap nila ang mga bida ng Ang Pambansang Third Wheel, ang movie nina Sam at Yassi sa Viva Films na mapapanood sa mga sinehan simula sa March 14.

Masusundan pa ang mga school tour nina Yassi at Sam kaya hindi dapat mainggit ang ibang mga estudyante na type rin na maranasan ang libreng yakap ng stars ng Ang Pambansang Third Wheel.

Jolo at Jodi pitong taon na

Ako ang kinilig sa “Asawa ko” na tawag ni Jolo Revilla sa kanyang girlfriend na si Jodi Sta. Maria.

Isa ako sa mga nangangarap na magpakasal na sina Jolo at Jodi dahil almost perfect ang relasyon nila bilang boyfriend at girlfriend.

Nagdiwang ang dalawa ng 81st month anniversary at wish ko lang, ang wedding anniversary naman  ang susunod na ipagdiriwang nina Jolo at Jodi dahil sa kanilang anim na taon at siyam na buwan na relasyon, kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.

‘Sa Instagram ang one and only  social media account ko’

Nag-emote na ako sa Instagram account ko na wala akong Facebook o Twitter account pero ginagamit pa rin ng mga impostor ang pangalan at picture ko as in ayaw nila na magpaawat.

Uulitin ko po, ang @akosilolitsolis sa Instagram ang one and only social media account ko kaya dito ninyo mababasa at sa dalawang column ko sa Pilipino Star NGAYON (PSN) at PM  (Pang-Masa) ang mga showbiz news na inihahatid ko sa inyo.

Huwag na huwag ninyong paniwalaan ang mga social media post ng apat na Lolit Solis sa Facebook at anim na Lolit Solis sa Twitter dahil mga poser sila.

Kapag pinaniwalaan ninyo ang mga poser ko, sure na sure na tagapaghatid sila ng fake news dahil kung nagagawa nila na magpanggap na Lolit Solis, kayang-kaya rin nila na mag-imbento ng mga balita.

Rhian takot mausog ang ginagawa

May gagawin na pelikula si Rhian Ramos pero ayaw pa niya na magbigay ng ibang mga detalye hangga’t hindi nagsisimula ang shooting.

Afraid si Rhian na magkuwento dahil baka maudlot ang pelikula na gagawin niya. Tama naman ang  attitude ni Rhian dahil may mga insidente na nakapag-shooting na ang isang artista pero natsutsugi pa rin ang project.

Nagiging kampante lang ang mga artista kapag may playdate na ang kanilang mga pelikula dahil may mga insidente rin na tapos na tapos na ang movie project pero hindi maipalabas sa mga sinehan.

Trilogy ang pelikula na gagawin ni Rhian at producer nito ang isang movie outfit na matagal na nagpahinga sa paggawa ng mga pelikula pero handang-handa na ulit na ma­ging active.

Mahaba ang pisi ng mga movie producer na tinutukoy ko  at by choice ang pasya nila noon na itigil muna ang kanilang mga negosyo.

Natutuwa ako kapag nadaragdagan ang bilang ng mga movie producer dahil good sign ito para sa local movie industry.

Kapag marami ang mga movie producer, maraming artista at movie workers ang nabibigyan ng trabaho. Marami rin ang moviegoers na mapapasaya nila kapag magaganda ang kanilang mga movie project.

vuukle comment

SAM MILBY

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with