Wil Dasovich, Alodia Gosiengfiao umamin na!
MANILA, Philippines — Walang sikretong hindi nabubunyag.
Sumakto sa Valentine's Day ang pag-amin ng video blogger na si Wil Dasovich sa kanilang tunay na relasyon ng cosplayer na si Alodia Gosiengfiao.
Sa isang video sa kaniyang Youtube Channel na pinamagatang “The Truth About My Fake Relationship,” sinabi ni Wil na masaya siya kasama ang kanyang girlfriend na si Alodia.
“Masaya. She's my girlfriend. Secret's out,” sabi ni Wil habang katabi si Alodia.
“Well we never kept it a secret. We never denied anything and for the most part, we thought it was obvious and didn't need any kind of confirmation or anything,” dagdag ni Wil.
Kumalat ang bali-balitang magkasintahan ang dalawa matapos bumisita si Alodia kay Wil sa Amerika habang siya’y nagpapatuloy sa kanyang mga sesyon ng chemotheraphy dahil sa kanyang cancer.
Lalo pa itong naging usap-usapan matapos tawagin ni Nico Bolzico, asawa ni Solenn Heussaff, si Wil at Alodia sa isang Instagram story bilang “new official couple.”
Samantala, kinumpirma naman ni Wil nito lamang Pebrero na siya’y magaling na mula sa kanyang sakit.
- Latest