^

PSN Showbiz

Confidence ni Sharon balik na sa dati, handa na pati sa concert sa Araneta

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Confidence ni Sharon balik na sa dati, handa na pati sa concert sa Araneta
Sharon Cuneta
ABS-CBN/Released

May dahi­lan na para magma­laki, magma­yabang at matuwa si Megastar Sha­ron Cuneta. Naba­likan niya ng buong-buo ang kanyang pag-aartista at ma­ging ang kanyang pa­nga­ngatawan. At hindi pa niya ka­sama ang pinupuntirya sanang makakabalikan niya kahit sa trabaho lamang na si Gabby Concepcion.

Buti na lang andyan si Robin Padilla. Nagbunga ng maganda ang pagsalo niya  ng comeback mo­vie ng Megastar. It seems madi-delay ito dahil may ume­ereng serye si Binoe sa umaga ng ABS CBN, ang Sana Dalawa ang Puso. Umayon naman ang kaabalahan niya para magawa ni Sharon ang TVC ng McDo na nakasama na si Gabby. May chemistry pa rin sila!

Kaya ngayon pa lang ay pinag-uusa­pan na ang reunion movie nila na ina­­a­sahang magiging isang mala­king tagumpay din. Pero, bago ito ay may pasabog pang two night concert si Sharon na magaganap sa Araneta Coliseum na may pamagat na The Big One sa September 28 at 29. Sa pagitan nito ay magko-concert din siya sa Bohol at Bacolod City sa June. Tulad ng The Big One, bahagi rin ito ng 40th Mega Philippine Tour.

Kisses at Tony ipu-push!

Mukhang hindi pa matutuloy ang plano ng ABS-CBN na gawing love triangle sina Kisses Delavin, Tony Labruska at Donny Pangilinan. Parang uunahin munang i-establish ang tandem ng PBB alumna at bagong La Luna Sangre discovery bago sila gawan ng triangle. Mauuna silang mapanood sa post Valentine concert ni Kisses. Isa sa mga guest ni Kisses si Tony at malamang ay magkaroon sila ng duet. Dito makikita kung mayro’n silang chemistry.

Bela naaktuhan ang kalandian ni JC

Pagkatapos bumida sa big screen ay magtatambal naman sina JC Santos at Bela Padilla sa unang pagkakataon sa telebisyon bilang magkasintahang susubukin ng tukso bukas, sa Maalaala Mo Kaya.

Walang ibang hinangad si Karla (Bela) kung hindi ang makapunta sa Hong­kong Disneyland at makita ang magarbo nitong fireworks. Bata pa lang siya ay pinapangakuan na siya ng kanyang amang si Alex (Christian Vasquez) na dadalhin siya roon basta mataas ang kanyang grades sa school.  Ngunit isang araw, binisita niya ang ama sa trabaho at makikita niya itong may kahalikang ibang babae. 

Simula noon, natakot na si Karla na pumasok sa isang relasyon. Tanging ang binatang si Gio (JC) ang nakakuha ng loob niya sa pamamagitan ng masigasig nitong panliligaw. Kaya naman ang dati’y takot umibig ngayon in a relationship na.

Taon din ang tinakbo ng kanilang pagsasama at maging ang pangarap ni Karla na makapunta sa Hongkong Disneyland ay sabay din nilang tinupad. Mala-fairytale na sana ang lahat hanggang sa madiskubre ni Karla na may nilalandi na pala si JC na iba.

Paano kaya tinanggap ni Karla ang ginawang panloloko ni Gio? Bibigyan pa kaya nito ang nobyo ng second chance?

Makakasama rin sa upcoming episode sina Belle Mariano, Zaijian Jaranilla, Almirah Muhlach, Eda Nolan, Hea­en Peraleja, Sophia Baars, at Chien­na Filomena.

vuukle comment

ACTRESS SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with