^

PSN Showbiz

Maja umamin na sa boyfriend na non-showbiz!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Maja umamin na sa boyfriend na non-showbiz!

Hindi na itinanggi ni Maja Salvador na in love nga siya sa non-showbiz guy. Kaya lang ayaw mag-elaborate ng aktres. Iwas na iwas nga siyang pag-usapan nang tanungin namin kahapon sa presscon ng kanyang concert tour na Maja on Stage na mag-uumpisa sa Cebu on February 4.

Kung busy man siya dahil sa halos isang taon ding umere ang Wildflower (Ivy Aguas/Lily Cruz) na one month na lang sa ere, masaya pa rin ang lagay ng puso niya.

Nagkaroon din siya ng time sa family niya sa Canada. One week siya sa Canada with her mom at one week with her siblings sa New York.

Anyway, ngayong 2018 ay magpapaka-performer si Maja. Babalik siya sa concert scene via Maja On Stage na mag-uumpisa sa Cebu, IEC Convention. Susundan ‘yun ng concert sa abroad sa The Big Box East Jurong, Singapore sa February 18, 2018. Pagdating ng March ay ang kanyang fourth major show sa KIA Theater on March 23.

“Nung sinabi na may plans about concert and ano ang magiging title, sinabi ko lang na parang na buong 2017, nagpaka-actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year ‘di ba? So parang 2018, magpapaka-performer naman ako,” sabi niya sa presscon.

Tinuturing na forever love ni Maja ay pagpe-perform. “Kaya hindi man kami magkasama, babalik-balikan ko siya,” sabi niya pa.

Mas maraming pasabog at iba raw ang Maja On Stage sa nauna niyang tatlong major show – Maj: The Legal Performer (2014), Majasty (2015) and Only Maja (2016).

“Siyempre not the same as sa MOA, sa mga na­ging concerts sa Music Museum. Kasi siyempre we want something new naman lagi. So iba ‘yung atake sa music, sa sayaw,” pangako niya.

Makakasama niya sa tour ang Wildflower men and hunky Kapamilya stars na sina Joseph Marco, RK Bagatsing, and Vin Abrenica with Kakai Bautista and Pooh. “Siguro sa lakas din ng Wildflower ‘yung mga (concert) producer, gusto nilang kasama sina Vin, RK and Joseph,” pahabol ng actress.

Samantala, malabo nang ma-extend ang Wildflower na hindi matanggap ng fans ng programa.

The end is near kasi ang pasabog na statement ng hit teleserye na agad ikinalungkot ng netizens.

Nakakaintriga ang inihahanda ng Wildflower sa nalalabi nitong oras sa ere base na rin sa teaser video na ipinakita nito kung saan may hawak ang cast na invisible na mga armas at nagpapaputok sa iba’t ibang direksyon. May linya pa ang lead star na si Maja sa dulo na “giyera na ‘to.”

Bago iyan may lara­wan din sila kung saan naekis at nawala ang picture ni Wendell Ramos, senyales na patay na ang karakter niya na si Raul.

Ano pa kaya ang mga susunod na aabangan?

Ayaw pang sabihin ni Maja ang buong detalye ng serye. Hindi na lang naging drama ang Wildflower. Sumabak si Maja sa lahat klase ng action sa palabas na ito na pumatok nang husto sa manonood.

For tickets on Maja On Stage in Cebu sa Feb­ruary 4, just call Mav at 0926-0747776 / 02-4307870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962, Rallion at 09219221796 and IC3 Office: 343-4854.

For Tickets in Singapore on February 18, 2018 please call 914-401-87.

vuukle comment

MAJA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with