^

PSN Showbiz

Ibang level ang kabaliwan sa karelasyon; Aktor naka-silent mode pati sa mga kaibigan

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi lang pala sa kanyang career dumistansiya ang isang popular na male personality. Kung kailan niya maiisip na balikan ang kanyang trabaho ay tanging siya lang ang nakakaalam.

Pero kahit pala sa kanyang mga kaibigan ay naglagay din ng distansiya ang male personality, kinukumusta siya ng kanyang mga kaibigan at katrabaho, pero hindi siya sumasagot.

Ang mundo ngayon ng sikat na aktor ay nakatutok sa mga kaibigan ng kanyang karelasyon, ang mga ito ang regular niyang ka-bonding, sila-sila ang magkakasama ngayon kahit saan.

Kuwento ng aming source, “Nakakapanibago siya. Hindi siya ganyan dati. Palakumusta siya at nakikipagkita sa mga friends niya. Pero ngayon, nasa silent mode siya, wala siyang kinakausap na mga kaibigan.

“Sana lang, e, maisip din niya na wala namang guarantee ang present situation niya. Siya pa naman, sawain ang taong ‘yun. Kapag ayaw na niya, basta ganu’n na lang!

“Wala naman siyang ibang babalikan kundi ang family niya, ang career niya, saka ang mga kaibigan niya. Wala siyang ibang pupuntahan kapag nagkaroon ng problema ang relasyon nila ng babaeng mahal na mahal niya ngayon,” opinyon ng aming impormante.

May mga nagsasabi naman na sinasamantala lang ng sikat na male personality ang kanyang pamamahinga ngayon. Puro trabaho lang kasi ang inatupag niya sa loob nang mahabang panahon.

Kinontra ‘yun ng aming source, ang komento nito, “Kahit pa. Dati naman siyang nakikipagrelasyon pero hindi siya umabot sa ganyan na talagang pinabayaan na niya ang career niya. Bread and butter niya ang pag-aartista!

“Showbiz ang nagpabago ng buhay niya, kaya dapat, ‘yung nagbigay sa kanya ng magandang kapalaran, e, ‘yun ang pag-ingatan niya. Sa panahong ito pa naman, ang dami-dami nang mga bagong mukha na sinusuportahan ang mga tao, nakakatakot ang mga ginagawa niya!

“Alam niya naman sigurong walang forever, kaya dapat, e, timplahin niyang mabuti ang mga aksiyon na ginagawa niya. Huwag siyang lalayo sa buhay na kinagisnan niya, huwag siyang maglagay ng harang, para kapag naisipan niyang bumalik na, e, bukas pa rin ang mga pintuan para sa kanya!” bigay na bigay nang pagtatapos ng aming source.

Ubos! Mocha ayaw lumebel kay DJ Mo Twister

Inaabangan sana ng ating mga kababayan ang mangyayaring sabong sa pagitan nina Asec Mocha Uson at ng nagmamarunong na si DJ Mo Twister pero mukhang marunong nang pumili ng makakaaway ngayon ang dating singer-dancer.

Tinawag na tanga at stupid asshole ng bastos na si Mo si Asec Mocha sa pagtawag niya ng Grand Nazarene sa Itim Na Nazareno sa halip na Black Nazarene.

‘Yun lang ang dahilan, agad nang pinagsalitaan nang masasakit ng mayabang na si Mo Twister si Asec Mocha Uson, na akala mo naman ay sobrang talino at perpekto nito na walang anumang pagkakamali sa buhay.

Maraming umuurot kay Asec Mocha na patulan si Mo Twister, hamunin daw sana niyang umuwi sa bansa ang mayabang na personalidad, saka sila dito magtuos.

Totoo naman kasing maangas at matalas lang ang dila ng bahagya nang tumaas sa gasul na si Mo Twister dahil nasa Amerika ito. Lahat ng mga nangyayari sa Pilipinas ay pinakikisawsawan nito, akala mo kung sinong makapagsalita, palibhasa’y nasa malayong lugar nga ito.

Bakit kaya hindi umuwi si Mo Twister at saka dito ito magpalutang ng kanyang kaangasan? Pero hindi makauwi ang mayabang na personalidad, may sorpresang nakaabang sa kanya pagdating na pagdating nito sa ating bayan, ‘yun ang kanyang kinatatakutan.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “Ang gandang palabas sana para panoorin kung sina Asec Mocha at Mo Twister ang magsasabong! Matira ang matibay sa kanilang dalawa!

“Pero tama na ring huwag nang patulan pa ni Mocha ang lalaking ‘yun na may dilang babae, sayang lang ang panahon niya, dahil laos na ang makakalaban niya!

“Kaya nga sawsaw na lang nang sawsaw ang maangas na taong ‘yun, e, dahil wala na siyang career! Umuwi sana siya, saka dito siya magyabang, tingnan lang natin kung makahihirit siya!” inis na komento ni prop.

Mismo!

vuukle comment

MALE PERSONALITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with