^

PSN Showbiz

Jennylyn parang maglalaba lang sa ilog nang umawra!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: “Tsikadora” si Talitha Maria ang kuwento ni Vic Sotto na hindi alam kung kanino nagmana ng kadaldalan ang anak nila ni Pauleen Luna.

SCENE: Bukas, December 20, ang red carpet premiere sa SM Megamall Cinema ng Meant To Beh, ang pelikula nina Vic Sotto at Dawn Zulueta na official entry sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF).

SEEN: Kinumpirma ng isang malapit kay Markki Stroem na ito ang matalik na kaibigan ngayon ni Marvin Agustin. Binalewala ni Marvin sa presscon ng Kambal, Karibal ang binibigyan na malisya na friendship nila ni Markki.

SCENE: Hindi kilala ni Anne Curtis ang former sexy star na si Priscilla Almeda dahil bata pa siya nang maging active sa showbiz at gumawa ng sexy movies sa Seiko Films ang aktres na Abby Viduya ang dating screen name.

SEEN: Dalawa na ang anak ni Priscilla Almeda at happily-married na siya. Tahimik na ang buhay ni Priscilla at ng kanyang pamilya sa Canada.

SCENE: Small matter para kay President Rodrigo Duterte ang pictorial ng kanyang apo sa Malacañang Palace dahil lahat ng mga bisita, nagpapakuha ng litrato habang nasa loob ng Palasyo.

SEEN: Bumalik agad sa Ormoc City si Mayor Richard Gomez matapos dumalo sa opening ng art exhibit niya sa Antipolo City noong Linggo. Apektado ng malakas na bagyo ang Ormoc City pero updated si Gomez sa mga kaganapan sa bayan na kanyang pinamumunuan habang nasa Metro Manila siya.

SCENE: Fashion victim si Jennylyn Mercado sa outfit niya sa Paskong Kapuso, ang Christmas special ng GMA 7. Parang maglalaba lang sa ilog si Jennylyn sa kanyang suot na unfashionable dark green skirt.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with