^

PSN Showbiz

Anne original choice sa pagiging lesbian ni Iza!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Anne original choice sa pagiging lesbian ni Iza!
Anne Curtis

Sa award-winning filmmaker, writer, editor, composer at musical scorer na si Jerrold Tarog namin nalaman na si Anne Curtis umano ang kanyang peg nang su­la­tin niya ang Bliss na nagbigay ng Best Actress trophy kay Iza Calzado sa recently-concluded Osaka International Film Festival. Pero dahil sa maselang tema ng istorya, binuksan niya sa audition (screen test) ang lead role at isa umano si Iza sa nag-audition making her the final choice.

Pero ang sad part, ito’y binigyan ng R-18 rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) kaya hindi ito mapapanood ng mas nakakaraming audience simula ngayong Miyerkules, May 10.

Bagong halal na presidente ng France lola na ang misis

Ang 64-year-old wife na si Brigitte Trogneux-Macron ng 39-year-old newly-elected President ng France na si Emmanuel Macron ang pinakabagong First Lady ng Elysee Palace kapag umupo ang kanyang young husband and ex-student.

Sa kabila ng kanilang 25 year age gap, hindi ito nakaapekto sa panalo at papularidad ng bagong halal na pangulo ng France dahil malaki rin ang na­ging role ng kanyang misis na good enough to be his mother and a grandmother of 8.

Malaki ang papel na gagampanan ng bagong First Lady ng France na ang unang tutukan ay ang education reform ng kanilang bansa bukod pa siyempre sa iba pang role ng isang Unang Ginang na siya ring nag-i-edit ng mga speeches at intermediary ng kanyang husband.

President-elect Emmanuel Macron garnered 65.5% ng boto laban sa kanyang katunggali na si Marine Le Pen na nakakuha lamang ng 34.5%. Bukod sa outgoing President ng France na si Pres. Francois Hollande, nagpaabot na ng pagbati si US Pres. Do­nald Trump maging ang ibang pangulo at pinuno ng iba’t ibang bansa at kasama na rito ang natalong kandidata sa pagka-pangulo na si Marine. 

First time sa kasaysayan ng France ang pagkakaroon ng First Lady na mas matanda ‘di hamak sa kanilang uupong Presidente.

Alam mo, Salve A., dito muling pinatunayan na wala sa malayong agwat ng edad sa dalawang taong nagmamahalan at nagkakaintindihan at ito’y kayang patunayan nina AiAi delas Alas at ng fiancé niyang si Gerald Sibayan, nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho, to name a few.

Vice pumiyok sa nangyari sa kanila ni Ervic Vijandre!

Klinaro ni Vice Ganda na wala umano silang ugnayan ni Ervic Vijandre liban sa pagiging magkaibigan at barkada at pagiging business partner (ng Tipsy Pig) kung saan din kasama ang ex-boyfriend ni Bela Padilla at nauugnay nga­yon sa aktres na si Angel Locsin, ang negosyanteng si Neil Arce.

Si Ervic ay na-link noon kina Marian Rivera at Carla Abellana.

Gerald at Kim balik sa pagiging magkaibigan

Halos pitong taon ang binilang bago muling nagtambal ang magka-loveteam na sina Gerald Anderson at Kim Chiu sa isang serye ng Kapamilya Network, ang Ikaw Lang ang Iibigin na kamakailan lamang nagsimula.

Inamin din ng ex-sweethearts na hindi umano nagkaroon ng closure ang kanilang break-up pero kapwa na sila nakapag-move on sa kanilang respective lives at bumalik na rin ang kanilang pagiging magkaibigan ngayon.

Si Kim ay nauugnay ngayon kay Xian Lim habang si Gerald naman kay Bea Alonzo.

vuukle comment

ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with