^

PSN Showbiz

Juday magaling na sa inglisan!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

The Queen is back! Ito ang sinabi ni Boy Abunda bilang pag-welcome kay Judy Ann Santos nang mag-guest ito sa kanyang prog­rama sa TV.

Kamangha-mangha naman ang pagbabalik ni Juday na matagumpay na nailagay muli sa ayos ang kanyang sarili. Payat na siya at bakas ito kahit nakaupo siya dahil sa madalas na pagpihit niya sa kanyang kainauupuan kapag tumitingin sa live audience na sumaksi sa kanyang pagbabalilk sa TV bilang host ng Bet On Your Baby.

Nakatutuwa na habang marami ang natatagalan bago mabawing muli ang kanilang ideal weight, heto siya’t parang minani lamang ang pagdidyeta. Considering na marami siyang alam na luto ay mas nakakabilib pa ang naging success niya sa pagpapapayat. Kaya naman sa pag-appear niya sa pograma ni Boy ay exuding siya ng beauty and confidence.

Nakaka-proud din ang malaking improvement niya sa kanyang pagsasalita ng Ingles. Magaling na siyang mag-Ingles at nagagawa nang maitawid ang kanyang pakikipag-usap, in English!

Vice laging nasesermunan ng mga bossing ng Dos

Si Vice Ganda naman ang nag-host sa isang tsikahang hapunan para sa ilang media.

Isa sa ini-reveal ng host ng It’s Showtime ay ang sa kabila ng kanyang tinatamasang kasikatan ay palagi pa ring ipinatatawag at napapagalitan ng mga bossing ng ABS-CBN dahil sa pagdating ng late sa programa at sa pagiging madulas ng kanyang dila paminsan-minsan.

Hindi naman ito minamasama ni Vice at sa halip ay itinuturing na isang paraan ng pagmamahal at concern sa kanya ng network at dahil dito ay napagbubuti niya ang kanyang trabaho. Idinagdag pa rin ni Vice ang paghahanda na ginagawa ng Star Ci­nema para muling lumahok sa Disyembre sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na tatampukan niya na posibleng pagtambalan nila ni ex-Miss Universe Pia Wurtzbach.

Excited si Vice sa magiging pagsasama nila ng sikat na beauty queen na hinangaan niya at sinundan ang karera simula sa pagsabak nito ng tatlong ulit sa Binibining Pilipinas.

Sa kabila naman ng pagtalikod kay Kris Aquino ng marami, hindi sinusukuan ni Vice ang kanilang pagkakaibigan. Ayaw na lamang niyang pag-usapan ito dahil baka bigyan pa ng kulay ang mga sasabihin niya tungkol sa naging pagtatapat ng mga programa nila. Sapat nang aminin niya na mas okay sa kanya na programa ni Kris ang nakatapat niya. At least daw pareho silang may trabaho.

Inamin niya rin na tinatanaw niya ng malaki ang maraming naitulong ni Kris sa kanyang karera.

Osang nawawalan ng raket sa katabaan

Marami ang nanghihinayang na bihira na lamang napapanood na umaarte si Rosanna Roces sa TV man o sa pelikula. Sa kabila ng naging pag-angat ng kanyang pag-aartista sa pagganap ng sexy roles, hindi mapasusubalian na isa siya sa pinaka-magaling nating sexy stars. Pinatunayan niya ito sa pagtanggap ng mga parangal sa kanyang pag-arte, at kagabi, sa Maalaala Mo Kaya, ay muli niyang pinatunayan na wala pa siyang kupas.

Kailangan lamang siguro ay magbawas siya ng timbang para hindi maburo sa ganun ding role. Sa­yang siya, at sayang din ang maraming TF na nakakawala sa kanya.

Sa paglabas niya sa MMK, inaasahan ng marami niyang tagasubaybay na madalas na naman siyang mabibigyan ng roles.

Morisette natipuhan ni Michael Bolton!

Kaswerte naman ni Morisette Amon. Nakuha siya mismo ng international at sikat na singer na si Michael Bolton para maging co-host nito sa disco­very program na Bolt of Talents. Katulad ng maraming talent shows kung saan nagpapakilala ang maraming Pilipino, nabwena manuhan na ni Morisette ang programa bilang host at hindi bilang singer.

Mapapanood sa TV dito sa Asya ang programa bago magtapos ang taon.

Nagsimula na itong mag-taping.

vuukle comment

BOY ABUNDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with