^

PSN Showbiz

10 weeks preggy Pauleen naano na ni Vic!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Iniiwasan ni Jaya na pag-usapan pa ang masamang karanasan niya sa kanyang driver dahil tapos na raw ito. Kaya siya ang nag-drive ng kotse niya papuntang presscon ng concert niyang gagawin sa Music Museum sa May 12. Ang nabalitaan lang namin ay nilayasan si Jaya ng matagal na niyang driver na nag-iwan ng patung-patong na ang mga utang sa Soul Diva.

Hindi naman daw makakatulong sa promo ng concert niya ang isyu niya sa driver, kaya huwag na lang daw pag-usapan.

Ang natutunan lang niya sa karanasang ito, “Never trust people that much. 

“Kasi para sa akin, ang trabaho ay trabaho. Ang Pilipino kasi mapagbigay. Nag-i-extend tayo dun sa dapat lang ibigay, and then later on, pag tayo na ang natira, nganga, ano ang nangyari? So, I just leave it all to God.

PAK: Proud si Gladys Reyes na ipinost ang Sonogram ng kanyang baby na malapit na niyang iluwal. Wala sanang balak na magpa-4D ultrasound si Gladys, pero gusto raw ng OB Gyne niya na makita kung nagbago ng posisyon ang baby dahil suhi pala ito.

Pero mukhang hindi raw ito umikot. Hindi naman winu-worry ni Gladys kung suhi ang baby dahil caesarian naman siya. Lahat na baby ni Gladys ay iniluwal niya sa CS operation. Kaya okay lang daw kung suhi pa rin ito.

Inaasahang manganganak na si Gladys next week, at gusto sana ay sa May 10 niya ito iluluwal.

BOOM: Nagulat si Pauleen Luna nang biglang i-announce ni Vic Sotto sa belated birthday celebration nito sa Eat Bulaga kahapon na nagdadalangtao na siya. Patawa pa rin ang pag-announce ni Bossing Vic na sinabi niyang “Gusto ko lang ipaalam sa inyong lahat na buntis po ako.” Maging tatay na nga raw siya uli, kaya tuwang-tuwa ang mga manonood nang i-announce niya ito.

“Nagulat naman ako dun! Hindi ako prepared,” bulalas ni Pauleen.

Matagal nang inamin sa amin ni Pauleen na nagdadalangtao na siya, pero nakiusap siyang huwag munang isulat dahil mas gusto raw sana niyang tahimik lang muna.

Sa Martes, May 9 ay bale 10 weeks na ang ipinagbubuntis ni Pauleen,kaya nag-iingat pa rin siya.

Hindi naman daw siya nahirapan  sa ipinagbubuntis niya, pero hindi rin ganun kadali.

Ilang linggo rin siyang pinagpahinga ng kanyang doktor, pero okay daw siya ngayon.

Wala naman daw siyang pinaglilihian sa ngayon, dahil wala siyang naiisip na gustung-gustong kainin.

“Ayoko lang yung mga matatapang na amoy. For a time, gusto ko lang itlog kasi walang amoy. Pero wala akong morning sickness, may nausea lang pero hindi siya tumutuloy,” dagdag na kuwento sa amin ni Pauleen.

Kung si Pauleen ang tatanungin, kahit boy o girl daw ang ipinagbubuntis niya okay lang sa kanya, basta healthy. Pero mas type raw sana ni Bossing Vic ay baby boy.

 

vuukle comment

GLADYS REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with