^

PSN Showbiz

Xian tipong makatrabaho sina Anne, Sarah, at Bea

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Xian tipong makatrabaho sina Anne, Sarah, at Bea
Xian Lim

Nanalong Best Supporting Actor si Xian Lim sa katatapos pa lamang na Gawad Tanglaw Awards para sa pelikulang Everything About Her. Isang malaking karangalan daw para kay Xian ang makahanay ang iba pang nanalo sa nasabing awards night katulad ni Charo Santos na nasungkit ang Best Actress Award para sa pelikulang Ang Babaeng Humayo.

“Hindi pa siya masyado nagsi-sink in pero laking pasasalamat lang. All the hard work nakakagaan lang talaga ng loob na nandito ako at nakasama ako, natuwa nga ako kasi katabi ko si Ma’am Charo. Nasa likod ko si John Lloyd (Cruz). Sabi ko ang galing naman nitong experience na ito. It’s something to remember for a lifetime,” nakangiting pahayag ni Xian.

Malaki ang pasasalamat ng aktor kay Vilma Santos na siyang nakatrabaho sa nasabing pelikula. Ayon kay Xian ay talagang marami siyang natutunan mula sa Star for All Seasons. “If there’s one thing I learned sa pelikula, sabi nga ni Ate Vi, years and years in the business, hanggang ngayon hindi pa rin daw alam ang ginagawa niya. Nakakapit pa rin daw siya sa direktor. It’s just sana marami pa akong makatrabaho, mabigyan ng mas marami pang proyekto. ‘Yun lang naman, and also to be able to express yourself creatively,” pagbabahagi ng binata.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ring makatrabaho ni Xian ang ilang Kapamilya actresses. “Simulan natin kina Ms. Anne Curtis, Ms. Sarah Geronimo, Bea Alonzo. It would be unfair to miss out sa mga gusto ko pa makatrabaho,” pagtatapos ni Xian.

Nikko sanay na sa mura

Kasama ang Hashtags member na si Nikko Natividad sa pelikulang Ang Galing Mo Bes (Uwian Na, May Nanalo Na) na pinagbibidahan ni AiAi delas Alas. Si Joel Lamangan ang direktor ng proyekto at ayon kay Nikko ay minsan na siyang napagsabihan nito. “Alam ko mahigpit siya, kunwari after makunan ‘yung isang eksena, kinakausap niya po ako, napagsabihan na po niya ako. Kinausap ko naman po siya. Sinabihan ko naman po siya na, ‘Okay lang po kahit pagalitan ninyo ako. Basta po ‘pag may mali sa acting ko, sabihan ninyo lang po ako,” nakangiitng kwento ni Nikko.

Nakahanda naman daw ang baguhang aktor kung sakaling mapagalitan siya ni direk Joel. “Kasi naranasan ko na rin po sa ibang mga naging trabaho ko dati. Like no’ng nag-waiter ako, na namumura ako. So ‘pag minura niya ako, normal na para sa akin,” pahayag ni Nikko.

vuukle comment

XIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with