^

PSN Showbiz

Young actress naiwan sa pansitan ang nagmalditang controversial actress!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Hindi na lang kumikibo ang isang pamosong young actress pero hinding-hindi pala nito makakalimutan ang ginawang pangmamaliit sa kanya nu’n ng isang kontro­bersiyal na aktres ngayon.

Madalas kasing sumasama ang malditang aktres sa kanyang boyfriend, kahit saan magpunta ang aktor ay parang doberman siyang nakabuntot sa lalaki, kaya nagkikita silang madalas ng young actress.

Tisay kasi ang lokah, kaya ang tingin niya sa kanyang sarili ay walang-walang binatbat sa kagandahan niya ang mga gandang-Pilipina, sinusukat niya ng tingin ang girl mula ulo hanggang paa nu’n.

Kuwento ng aming source, “Tingnan mo nga naman. ‘Yung sikat na sikat na young actress ngayon, e, sobra palang minaliit nu’n ng malditang babaeng ‘yun?

“Siguradong nagseselos siya sa young actress dahil ipine-pair kasi siya sa boyfriend ng malditang ‘yun! Nai-insecure siguro siya, kaya kung irap-irapan niya nu’n ang dapat sana, e, ka-loveteam ng BF niya, e, parang wala nang bukas!

“Kung nakapananakit lang ang mga tingin na matalim, siguradong hiwa-hiwa na ang buong katawan ni young actress. Sobra talaga, mula ulo hanggang paa kung tingnan niya ang girl!” pagtatapat ng aming impormante.

Nagkaroon ng problema. Hindi natuloy ang loveteam. Nagpa-audition ang network ng bagong makakatambal ng young actress. Naing matagumpay ang loveteam nila.

Patuloy ng aming source, “O, ano siya ngayon? Naging successful ang loveteam! Sumikat nang husto ang girl, ang dami-daming projects, tagumpay ang mga pelikulang ginagawa nila ng ka-loveteam niya!

“E, kumusta naman ang malditang ‘yun na akala mo kung sinong manukat sa young actress nang mula ulo hanggang paa? Waley, isinasali lang siya sa mga serye pero hindi naman siya ang bida. Second lead lang siya.

“At hanggang pagtalak-talak na lang siya sa social media, spokening English nga siya, pero pinag-iwanan na siya nang milya-milya ng young actress na kung irap-irapan niya nu’n, e, walang binatbat sa kanya ang babaeng may suot na isang kilong pilikmata!” pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Jose parang ‘di sikat ang ugali!

Nami-miss namin ang magaling na komedyanteng si Jose Manalo. Matagal-tagal na rin kaming hindi nakapagkukuwentuhan. Pero may mga kuwentong-Amerika kami tungkol sa kanya.

Isang tiyahin ng kaibigan namin ang naghintay talaga kay Jose sa lobby ng tinutuluyan nilang hotel sa Los Angeles. Walang pakialam ang may edad nang kababayan natin kung kinailangan man nitong maghintay nang matagal dahil ang premyo naman nito ay ang makita-mayakap ang kanyang idolong komed­yante.

“Napakasaya ng tita ko. Nagkita sila ni Jose, isang tawag lang daw niya, e, lumapit na agad sa kanya ang idol niya. Kinumusta pa siya ni Jose kung saan siya nakatira rito sa Manila. Nu’ng sabihin ng tita ko kung saan, ang dami-dami raw kuwento ni Jose, dahil galugad niya ang Maynila nu’ng bata pa siya.

“Pakisalamatan mo naman si Jose sa sobrang happiness na ibinigay niya sa tita ko. Nu’ng tumawag siya sa akin, e, halos mabulol na siya sa sobrang excitement dahil natupad din ang pangarap niyang makita at ma-embrace ang idol niyang si Jose!” kuwento ng aming kaibigan.

‘Yun naman ang kapuri-puri sa sikat na komedyante, estado lang ng kanyang buhay ang nagbago dahil sa popularidad niya, pero hinding-hindi niya nakakalimutan ang kanyang pinagmulan.

Nalaman namin na basta maluwag ang kanyang schedule ay nagpupunta siya sa Tondo, ang lugar na nilakihan niya, binalik-balikan ni Jose ang kanilang mga kapitbahay at kababata sa lugar na pinag-ugatan niya.

“Parang hindi siya ‘yung sikat na si Jose kapag dumadalaw siya sa Tondo. Nakikipagbiruan siya sa mga nandu’n, nakikipagkuwentuhan sa tabi ng kalsada, nakikitusok ng fishballs sa kariton, walang-walang ipinagbago ang ugali niya.

“Sayang nga, hindi na siya puwedeng makipaglaro ng basketball, baka nga naman kung mapaano siya dahil nagkaroon na siya ng problema nu’ng minsan dahil sa paglalaro niya.

“Pero magaling na basketball player si Jose, pambato siya ng barangay nila nu’n, hindi na siya nakapaglalaro ngayon dahil sobrang busy na siya,” kuwento ng aming source.

Kaya naman patuloy ang pagdating ng grasya sa komedyante, hindi siya nawawalan ng proyekto, bukod sa nagdedeliber na siya gamit ang kanyang talento ay maganda pa ang kanyang puso na mapang-imbita ng suwerte.

vuukle comment

JOSE MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with