^

PSN Showbiz

12-anyos pa lang ,Jillian payag na agad sa love team!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
12-anyos pa lang ,Jillian payag na agad sa love team!
Jillian Ward

Si Marian Rivera ang guest sa pilot episode ng Daig Kayo ng Lola Ko sa April 30, dahil sabi ni Ms. Redgie Magno, GMA Network Vice President for Drama, “We believe na having Marian in our pilot show will be good for the show. Because number one, ang lakas ng appeal ni Marian sa mga bata. And then the role, bagay na bagay sa kanya.”

For the second episode of the kid-friendly, family-oriented show, si Michael V ang inimbita ni Director Rico Gutierrez na mag-guest. Bagay daw kay Michael V ang story ng episode na tungkol sa puppets na paiba-iba ang mga boses.

Anyway, kasama ni Ms. Gloria Ro­mero sa Daig Kayo ng Lola Ko ang gumaganap na kanyang mga apo sina Jillian Ward at David Remo bilang sina Alice at Elvis. Nasa cast din sina Julius Miguel at Chlaui Malayao.

Twelve years old na si Jillian, malaking bulas at puwede nang magka-love team at okay sa kanya kung bibigyan ng love team kung makakabuti sa career niya. Trabaho lang daw ‘yun, pero in real life, bata pa rin siya at priority ang studies at career.

Pare-pareho nang sinabi sina Jillian, David, Julius at Chlaui kay Ms. Gloria, mabait ito at mahilig magkuwento. Sabi naman ni Chlaui, okay lang sa veteran actress na magkamali sila dahil lahat naman daw ay nagkakamali.

Fans ni Angel boto sa ex-dyowa ni Bela

Nakakaaliw basahin ang comment sa Instagram (IG) ni Neil Arce dahil tinutukso siya kay Angel Locsin. May picture na pinost ang isa sa producer ng Luck at First Sight na bata pa siya kasama ang batang babae na parang hahalikan niya.

Isa sa nag-comment si Mark Leviste at humirit ng “Parang batang #Darna ha.”

May mga nag-comment naman ng “Take care,” (kasunod ang emoji ng angels), “Nakakakilig kayo (another emoji ng angel)” at “Ang swerte mo Mr. @neil_arce wag mo nang pakawalan yan...may Angel kana may Darna kappa. Sana ikaw na si super man nya:).”

May nag-comment din na kinikilig siya kina Neil at Angel. May nagtanong din kay Neil kung ano ang plano niya sa birthday ni Angel this Sunday? Siyempre, hindi sumagot si Neil.

May nakapansin ding mabilis dumami ang followers sa IG ni Neil after lumabas ang tsikang magkasama sila noong Holy Week ni Angel sa Hongkong. Parang fans ni Angel ang nadagdag sa followers ng batang producer at pabor sila sa kanya at aktres.

Kapansin-pansin din ang pagla-like ni Angel sa mga post ni Neil ng poster at trailer ng Luck at First Sight. Ang ganda siguro kung sa premiere night ng movie na bida sina Jericho Rosales at Bela Padilla, ay dumalo si Angel. Sa direction ni Dan Villegas, showing na ang pelikula sa May 3.

Marian kontrabida sa Encantadia?!

Nagkagulo ang Encantadiks nang makita si Marian Rivera sa “Abangan” ng Encantadia. 

Medyo worried lang ang ibang viewers ng Encantadia dahil sa IG story ni Marian.

Hindi siya naka-costume bilang si Reyna Mine-a kundi naka-warrior costume. Ang naisip ng Encantadiks, kakalabanin ni Mine-a ang mga anak niyang Sang’gre.

Next week na raw mapapanood si Ma­rian sa Encantadia at malalaman natin kung tama ang nasa isip ng Encantadiks sa magiging role ni Ma­rian sa kanyang pagbabalik.

vuukle comment

JILLIAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with